XIV- ZOE LESTRANGE

91 5 10
                                    

AMBER'S POV



Nakabalik na kami ng EU. Maaga akong nagising dahil gusto kong ipagluto si Artemis nang almusal. Nagdala na rin ako nang para kay Elan dahil cabin-mate sila at isa rin para sa kapatid ko.

Dumaan muna ako kay Hades para iwan ang breakfast niya sa labas ng cabin nila. Nilagyan ko rin 'yun ng note para malaman nilang sa kanya. Alam ko kasing tulog pa 'yun dahil mamayang 10am pa ang first class niya.

Kasunod kong pinuntahan ang cabin nila lab ob my layp.

Nag-doorbell ako at si Elan ang nagbukas.

Himala at gising na 'to? Mamayang hapon pa ang pasok nito eh.

"breakfast delivery? Ang swerte naman talaga ni Artemis." nakangisi niyang sabi saka gumilid para makapasok ako.

"Meron ka rin dito. Alam kong Patay-gutom ka."

"In your dreams, Amber." Ang nakakatuwa rito kay Elan, hindi siya pikunin sa mga pambabara ko. Maliban na lang kung may kinalaman kay Inna.

"Nasaan si lab ob my layp?"  Nilapag ko sa ibabaw ng table ang dala kong breakfast saka iyon nilabas sa kanya-kanyang lunch boxes.

"Naliligo pa."

"Hindi ka pa rin ba pinapansin ni Future Sis?"

bumuntong-hininga siya saka inalis ang paningin sa laptop para tingnan ako. He's making projects yata?

"Hindi pa rin. Parating umiiwas. Wala naman akong kasalanan."

Natatawa na lang ako.

"Your company's stocks was skyrocketed huh?"

"Weh?" tumabi ako sa kanya at tumingin sa Financial Reports. Akala ko gumagawa siya ng projects 'yun pala ay busy sa negosyo nila.

"Oo nga!" Tuwang-tuwa kong sabi! Maganda ang takbo ng negosyo namin kahit maraming malalaking competitors ang nagsisilabasan these past few months.

"What are you two doing?"

Napatayo ako ng tuwid nang makitang bumababa si Artemis ng hagdanan.

"Wala bro. Huwag kang magselos pfft!"

Ito gusto ko kay Elan, suportado ako sa bestfriend niya!

Dumiretso lang si lab ob my layp sa table at tiningnan ang dala kong mga pagkain.

"You made this?"

"Naman! Sino pa ba?" Ngiting-ngiti ako.

Naupo siya at tinawag si Elan.

"Are you not eating?"

"Later bro. Mauna na kayo."

Sabay kaming nag-a-almusal ni lab ob my layp.

Breakfast date. "hihi"

Napatakip ako ng bibig nang biglang lumabas ang tawa ko!

Sa isip ko lang 'yun dapat eh.

He just laugh then resumes to eat.

"Masarap ba?"

Tinaasan niya ako nang kilay. "If I say No, will you stop giving me breakfast?"

"Ay ayoko! 'Wag mo na lang sagutin. Ayokong marinig 'yan."

Nakasimangot kong sabi dahil alam kong kapag pumayag ako sa tanong niya, alam kong sasabihin niya na hindi masarap para hindi ko na siya madalhan ng almusal.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon