XV- ELAN AND KIENNA

108 3 8
                                    

Jhea's POV



Annoyed, I dropped the cellphone on the table! We are now at the cafeteria.

"Hindi pa rin tumitigil ang mga ferson sa pag-ship sa amin ni Stephen!"

sabi ko habang tinutusok tusok  ng tinidor ang Heston Blumentha's Carbonara na inorder.

I'm really pissed looking at the article in our Unofficial University Website. Sino ba kasi admin nang website na 'to?

Nakita kong nag-check si Faye at Inna sa mga cellphone nila while Ate Amber is busy eating. Walang pakealam.

"Number 1 pa rin ang article niyong dalawa ni Kuya Stephen doon sa audi hahaha"-Faye

Nakakainis lang dahil they uploaded the pictures and videos namin ni Stephen doon sa audi, hindi lang yung pagyakap niya sa akin kung hindi pati 'yung pagbigay niya sa akin ng bottled water at towel.

"OMG! They look good together. at ito pa, ito pa... If this is true they will be the very 1st power couple of of Eastridge!" ngiting-ngiti si Twin habang binabasa ang mga comments.

"saya mo?"

"Bakit? Bagay naman kayo ah."

Napairap na lamang ako sa hangin.

Tatlong araw na ang lumipas simula ng araw ng audition ko. Magaling na rin ang gasgas sa pisngi ni Twin pero may kaunti pa. Hindi ko rin nakikita these days yung singkati ng higad na si Zoe at ang mga alipores niya. Wala pa naman kaming practice sa Cheer Team, mabuti na lang at hindi ko muna makikita ang pagmumukha nang mga 'yun.

"Will you be okay? sa cheer team? Mag-isa ka lang."

"Samahan mo 'ko para hindi ako mag-isa."

"eeehhhh.... ayoko run."

"Hi girls! Pa-share lang ah." since dito kami nakiupo sa table ng Basketball Team ay tumabi sila sa amin.

"Long time no see guys."

Nginitian namin 'yung Scottish guy na kasama sa Varsity, si Nathan.

Ang gwapo rin talaga nang isang 'to eh.

"Hi Inna."

"Hello." nakangiting bati ni Twin. Tumaas ang kilay ko nang naupo ito sa tabi niya.

Lalong humahaba ang pila para kay Inna Pfft!

"Where's others? Sila Kuya Artemis at Kuya Elan?" tanong ko.

"on the way."

Tumayo si Inna. "Mauna na pala ako, marami pa akong assignments------"

"Stay." Natawa ako nang mahigpit na hinawakan ni Ate Amber ang braso ni twin.

"Nauubusan na ako ng palusot sa Kuya mo at kay Elan sa tuwing hinahanap ka sa akin."

Bumalik naman ito sa pagkakaupo. "I'm sorry."

"Inna, palit tayo ng upuan. Kayo ni Jhea ang tabi." alam ko kung bakit nakipag palit ng upuan si Faye. She knows that Kuya Elan will be mad when he sees Nathan and Inna is sitting next to each other.

"Nandiyan na crush mo." bulong sa akin ni Twin. Napasilip naman ako sa labas ng cafeteria dahil malaking bahagi nito ay glass ang wall maliban na lang yung doon banda sa may entrance.

My brows furrowed. "Wala naman si Hades diyan ah?" Sila Kuya Elan, Kuya Artemis, Stephen at Steven lang naman ang nandoon, mga kaibigan naming Basketball Varsity. Si Hades ang nakahiwalay sa kanila dahil Football Varsity siya.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon