LII - RATED 18

83 3 5
                                    

WARNING: R18 Read responsively.

Soshi's Note: Pag-pasensiyahan niyo na po kung hindi ako magaling gumawa ng R18 scene. Hindi ko kasi ito forte and this is my first time writing a R18 Chapter. Kahit sa Dating Ken Suson walang ganito eh hahaha







INNA'S POV




Ilang araw na ang lumipas nang mag-withdraw ako as a Student sa Eastridge and right now, nandito kami sa Cafe nila Ate Amber para mamili ng motif and design sa kasal. Kaming apat lang sana na babae ang nandito pero ewan ko kung ano ang ginagawa ni Kuya rito?

Wala naman siyang suggestions at tahimik lang sa tabi namin ni Ate Amber.

"So..... Gusto ko sana yung black and white lang na color sa designs."

"Boring" Kontra agad ni Twin na may pag-ikot pa ng mata.

"Ano ba 'yan! Wala bang ibang kulay?" Nagkakamot sa ulo na reklamo ni Ate Amber.

"It's fine naman ah." Buti pa si Faye, classy ang taste na kagaya ko.

"Thanks, Sis."

"Lagyan mo nang kahit isang kulay lang." Sabi ni Ate Amber. "What if green?"

Napangiwi ako at si Kuya na kanina pang tahimik ay napailing hahaha

"What?! Maganda naman ang green ah!"

"Pastel pink na lang sige." Sabi ko. Kanina pang ipinipilit ni Jhea na kulay 'yun. Maganda rin daw idagdag sa designs para may buhay naman ang kulay.

"Great! You have a nice taste."

Marami pa kaming pinagkaka-abalahan gaya ng pamimili ng flowers and ibang designs na kaartehan lang for me but gusto nila nang bongga kaya Go with the Flow na lang ako.


"Nandito pala sila Tita?" We followed Faye's gaze and kakapasok lang nila Mommy, kasama niya sina Tita Yaz, Tita Mira at ang kambal kong Tita's.

Hindi pa nila kami nakikita dahil nagku-kwentuhan pa sila nang sumalubong si Tita Hailey sa kanila.

Napansin kong nakakunot ang noo ni Mommy nang may pumasok na dalawang babae at mukhang nasa 50's ang edad.

"Twin? Nakikinig ka ba?"

"Ha?---O---oo!!" Inirapan niya ako.

"Sige nga, anong sinabi ko?" I pressed my lips.

"Sorry."

"Kitams... hindi ka nakikinig----"

Nagulat na lamang kami nang biglang nagkaroon ng commotion sa kinaroroonan nila Mom!

Lumapit kami at nakita kong nagagalit ang Mommy. Nakakapanibago dahil hindi naman siya ganito. She will never cause a commotion lalo na sa public places.

"Mom" lumapit si Kuya Artemis sa kanya.

Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ng babae ang kamay ko at tumingin kay Mommy.

"Your youngest?"

Natahimik si Mom at parang kinabahan.

Ngumiti yung babae sa akin at parang may sasabihin.

"Inna!"

Hnigit ako ni Mommy palayo.

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya ang paningin nung isang babae.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon