IV - GROUNDED

124 4 18
                                    

AMBER'S POV

"Bakit napadpad kayo rito Inna?" Seryosong tanong ni Artemis sa kapatid. Nakonsensiya tuloy ako baka akalain nilang magba-bar na naman kami. Baka mapagalitan pa si Inna dahil sa akin.

Inna looks at me then she smiled.

Wait... Wala naman siyang balak ilaglag ako noh?

"Well, we just want to hang out. Hindi naman kami mag-iinom Kuya. Kakain lang, diba po Ate Amber?"

phew.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

Mabuti na lang talaga mabait si Future Sis.

"as if."

Bulong ng babaeng maarte sa tabi ko.

Iirapan ko sana kaso nakatingin pala sa akin ang lahat.

Tumango na lang ako saka ngumiti kay Inna.

Bumalik naman na sila sa kanya-kanyang kwentuhan kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Kaloka!

Nakita kong natatawa sa akin si Inna pero kaagad inagaw ni Elan ang atensiyon niya.

Sana lang talaga masuklian ni Inna ang feelings ni Elan for her.

Sa pagkakaalam ko at ayun na rin sa tsismis ni Mommy, Tito Josh had a one sided love with Tita Kyomi to the point na halos sirain na raw ni Tito Josh ang career at buhay niya noon. Kaya kahit kapatid ko si Hades, ship ko si Elan at Inna. Baka sila na ang tumupad sa nasirang pag-ibig ni Tito Josh kay Tita Kyomi.

Nagulat na lang ako ng may humampas ng menu sa ulo ko at ang tarantado ko palang kapatid na si Hades!

"Sira ulo ka ba?!"

Kaya ayaw ko talaga sa isang 'to para kay Future Sis!

"Pfft!!" Kaagad na nawala ang inis ko nang marinig ang tawa ni Artemis!

Holy Cow!

Pati ang tawa niya ay napaka-pogi!

*****FLASHBACK*****

First year High School, P.E. namin ngayon pero wala kaming klase o sports activity man lang. Basta ang pinapagawa lang sa amin ay manuod ng basketball at i-cheer ang Varsity ng Basketball Team namin na pak na pak at pabor na pabor naman sa akin dahil Team Captain ng Varsity namin si lab ob my layp ko!

"Kyaaaaaa Go Felip Artemis!!!"

Napawi ang mga ngiti ko nang magtilian ang mga babaeng katabi ko ng maka-shoot si Artemis!

Inirapan ko sila at Aba! inirapan din ako!

Siyempre di rin ako papatalo noh!

Para saan pang anak ako ng Ate Chona ng SB19 noon?

"Hah." I crossed my arms on my chest saka muli silang inirapan.

They look at me from head to toe tapos nagtawanan yung dalawang katabi ko!

Are they mocking me?

"Sis, we're just the same. Pare-pareho lang tayong fan ni Artemis."

"Tayo? Pareho?" Mayabang kong sabi sabay smirk. "We're in a different level. Kayo fans lang, ako girlfriend!"

Malakas kong sabi nang makarinig ako nang tawanan ng mga lalaki!

At ang  kupal kong kaibigan na kasama rin sa varsity Team ng Basketball!

Si Elan at yung iba nilang ka-team!

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon