Soshi's Note: Wala po akong nilalagay na fictional character sa mga babaeng characters ko, so yung suot lang po nila ang pansinin niyo hehe
FAYE'S POV
Nakaabang ako sa may pintuan ng cabin namin dahil 20 minutes na lang bago ang party ay wala pa rin si Inna!
"Oh Gosh! Where did she go?" Naiinip na sabi ni Jhea habang pabalik-balik ang lakad sa sala.
She looks like a Goddess with her gown and make-up! Napakaganda niya!
She really lives to the theme of the party! Hindi na talaga ako magtataka kung may award 'to mamaya.
"Maupo ka nga lang at nahihilo ako sa'yo!" Pagrereklamo ni Ate Amber na napakaganda sa suot niya ngayon. Hindi gaya ni Jhea, medyo balot si Ate Amber pero hindi naman maitatago ang angkin nitong ganda.
Hindi kasi girly si Ate Amber kaya expected ko na na ganyan ang kanyang susuotin. Pinilit nga lang namin ni Jhea 'yan na mag-make up eh. Dito na sila nag-ayos dahil ang usapan sabay-sabay kami pero hanggang ngayon hindi pa dumarating si Inna!
Nasaan na kaya siya?
Tinawagan na iyon ni Jhea eh."Oh My God! I'm sorry guys, I forgot the time!"
Humahangos itong dumating habang bitbit ang mga gamit!
"Saan ka ba galing?" Tanong ko pero nakangisi siya sa akin habang bumababa ang paningin.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!