INNA'S POV
Nang makapasok kami ng sasakyan ay hindi pa rin siya umiimik.
"Elan, may problema ba?"
Ang tagal niya bago sumagot. Akala ko nga ay wala na siyang balak sumagot kaya nagti-tingin na lang ako sa labas.
"Wala."
Wala raw pero parang may nakapalibot na maitim na awra sa kanya!
"Saan tayo pupunta?" Maaga pa kasi at ayaw ko pang umuwi.
"Office."
"Sa office mo?" Excited ko pang tanong! Makikita ko na rin sa wakas kung saan siya nagta-trabaho!
"Yes."
Kaso, isang tanong, isang sagot lang siya ngayon.
Ano kayang ikinagalit niya?
May bad news ba siyang nalaman mula sa pag-uusap nila Tito Kento kanina?
Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng building nila ay wala siyang imik.
Bumaba na siya ng sasakyan kaya bumaba na rin ako.
"Bakit bumaba ka na? Hindi mo man lang hinintay na pagbuksan kita."
"Sorry."
Tinitigan niya ako sandali at parang maiiyak na siya sa pagpipigil ng galit!
Halo halo ang expression na nababasa ko sa kanya!
"Ma---may nagawa o nasabi ba akong mali?" Kinakabahan ako. Paano kung sapakin na lang niya ako dahil sa sobrang galit niya?!
Bigla siyang nagbuntong-hininga at nagtakip ng mata.
"Sorry kung may nagwa o nasabi ako---"
"I shouldn't take it seriously. You don't remember me at all, in the first place."
Sabi niya. Mga ilang segundo siyang tumitig sa akin bago ngumiti at hinalikan pa ako sa noo!
Halos mapatalon pa ako sa gulat mabuti at napigilan ko!
"I'm sorry for being cold towards you. Let's go."
Inakay niya ako pasakay ng elevator na gulong-gulo ang isipan!
Habang pinipilit kong intindihin ang mga sinasabi niya ay parang sumasakit lang ang ulo ko!
"Okay ka lang?"
Isinandal ko kasi ang aking ulo sa kanyang likuran. Nasa unahan ko siya dahil katatapos niya lang pindutin ang penthouse button.
"Uhmm... medyo masakit lang ang ulo ko."
Dahan-dahan siyang humarap sa akin at inilagay ang likod ng palad sa aking noo.
"Pagod ka na ba?"
Nag-aalala niyang tanong.
"Hi---hindi. Baka nahilo lang ako sa elevator." Palusot ko.
Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isipan ko.
Sigurado na ako na may gusto talaga ako sa lalaking 'to noon pa!
"You can sleep in my office when we get there."
"May kwarto ka dun?"
"Yeah."
"Wow! Ang yaman mo talaga!"
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!