FAYE'S POV
Nagising ako nang maaga. 7AM palang kaya napagpasyahan kong tanawin muna ang magandang view sa veranda ng kwarto ko, ka-room ko si Heather, ang anak ni Tito Kento at natawa ako nang maka-kwentuhan ko siya kagabi.
Hindi ako makapaniwalang may mas aarte pa pala kay Jhea! Ngunit gaya rin ni Jhea ay mabait rin ito.
"Good Morning Kienna!"
Napatingin ako sa ibaba at nakita kong nasa garden si Inna habang nag-aalmusal nang batiin ito ni Hades.
"Good Morning Hades! Kamusta tulog mo?"
"It was okay. Ikaw? Bakit ang aga mong natulog kagabi?"
Hindi ko alam kung bakit parang napako ako sa kinatatayuan ko ngayon at hindi ako makaalis.
Hindi dapat ako makinig sa usapan ng iba pero bakit hindi nakikinig ang katawan ko sa aking isipan?
"Uhm... Hindi maganda ang pakiramdam ko kagabi."
I saw how worried he is. Inilapat niya ang palad sa noo ni Inna.
"Wala ka namang lagnat."
"Hindi ko naman sinabing nilalagnat ako." Inna said laughing. "Ang sabi ko hindi lang maganda ang pakiramdam ko kagabi dahil na rin siguro sa mahabang biyahe."
Marami pa silang pinag-kwentuhan karamihan ay ang mga nangyari noong mga bata pa sila o hindi kaya noong Highschool sila.
Academic rival pala iyong dalawa.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba ako nakikinig sa usapan nila. Paalis na sana ako nang marinig ko ang sinabi ni Hades.
"Manuod ka naman ng game namin. Simula ng mag-college tayo hindi ka na nanunuod." Narinig ko ang parang pagtatampo sa kanyang tono.
"Okay. Okay. First Game ninyo sa first day ng second semester hindi ba?"
"Yep." Madalas na naka-poker face lang ito, pero kapag si Inna ang kaharap parang naka-paste na sa mukha nga ang mga ngiti. "Sabi mo 'yan pupunta ka ah? Kailangan ko ng cheer mo para lumakas ako hahaha"
"Oo na! Na-mi-miss mo lang mga cheer ko sayo noon eh haha"
"To be honest." Biglang sumeryoso ang mukha niya kaya napatigil rin sa pagtawa ang kaibigan ko. "Miss na kita."
"Huh? Parati naman tayong nagkikita at mgkas---"
"That's not what I mean. Miss ko na 'yung dati na malaya kitang nalalapitan at nakakausap o nakakabiruan. Simula kasi nang mapasok tayo sa Eastridge, parang bawal na akong lumapit sa'yo."
"What do you mean? Akala ko nga ikaw ang nagbago dahil mas madalas mo nang kasama ang football team kesa sa amin."
Ngumiti lang si Hades at ginulo ang buhok niya.
Sakto namang dumating si Tito Paulo at tipid na ngumiti sa kanila. Nakisalo na rin si Tito Pau sa table nila kaya umalis na rin ako at napag-pasyahang bumaba.
Nakasabay ko pa si Ate Amber na tinanong ako kung gising na raw ba si Lab ob her layp niya. Malay ko diba? Hindi ko naman ka-room 'yun. Pero umiling na lang ako sa kanya.
"Okay ka lang ba? Bakit parang bad mood ka? Kagigising mo lang eh."
Napatigil ako sa kalagitnaan nang pagbaba sa hagdan.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!