XXXV-ENCOUNTER

70 5 10
                                    

YASMEEN'S POV




Inaabangan ko talaga ang pagdating ng anak ko ngayong gabi.

Ang hirap niyang kausapin at hagilapin kahit na sa iisang bahay lamang kami nakatira.

Paano ba naman, nagkukulong lang sa kwarto niya kung nandito. Lalabas lang kapag kakain tapos pasok ulit sa kwarto niya.

Halos hindi na nga namin makausap ni Josh! In the past five years ganito lang ang naging routine niya, bahay at trabaho lang, kahit ang makipagkita sa mga kaibigan ay halos hindi na niya ginagawa.

Paminsan-minsan nga ay sini-set ko siya ng blind date but he ended up leaving his date kahit hindi pa nag-uumpisa ang date nila! At kapag nakarating na sa bahay ay galit na galit ito sa akin!

What can I do? Masakit para sa akin ang makita siyang ganito, kaya gusto ko siyang iahon mula sa pagkalunod niya five years ago but he's not helping himself!!!


Nakita kong papasok na siya ng bahay at naupo sa may sala habang naghuhubad ng sapatos kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Anak!"

Saglit na napatingin sa akin ang asawa ko mula sa pagla-laptop!

"Yes Mom?"

"Kumain ka na ba?"

"Yes, sa office."

Ngumiti ako nang malapad bago magsalita.

"Sama ka na sa Bataan." Dalawang araw na lang pero ang hirap niyang papayagin.

"I can't."

"Pero anak--- limang taon ka nang ganyan."

Tiningnan niya lang ako saglit pero hindi nagsalita.

"Puro ka na lang bahay at trabaho. Hindi ka namin pini-pressure ng Dad mo ah!"

"I know Mom."

Limang taon na rin simula nang huli ko itong makitang ngumiti.

"Kaya sumama ka na."

"Mom please."

"Anak naman. Mabuhay ka naman! Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon parang hindi ka pa rin nakaka-ahon! Nabubuhay ka nga pero namumuhay ka na parang patay!"

Si Inna lang ang nawala pero hanggang ngayon pakiramdam ko ay nawalan rin ako ng anak.

"Yasmeen." Suway sa akin ni Josh.

"I've been alive but my soul died too the day she died Mom."

Nakitang kong nagpipigil lang siya nang luha bago ako talikuran.

Napaupo na lang ako sa sofa at napaiyak!

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya!

Kung pwede ko lang buhayin si Inna ay ginawa ko na para lang makita kong maging masayang muli ang anak ko!

"Hayaan mo na muna ang anak mo."

"It's been five years Josh! FIVE Years.". Pagdidiin ko pa sa mahabang panahon na lumipas.

"Iba-iba tayo nang bilis ng pagmo-move on Love, as for your son, baka mas matagalan pa. Alam mo namang si Inna lang ang naging buhay nun."

"Kinonsente mo kasi."

"Aba parang siya hindi."

Natatawa niyang saad.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon