XXXVI - HEATHER EVANGELISTA

94 4 25
                                    

AMBER'S POV



"Miss De Vega, si Tita Kyomi po?" Tinanong ko ang secretary ni Tita na si Ate Lyka, medyo close na rin siya sa amin pero since nasa office kami kailangan naming maging formal.

"Ay ikaw pala 'yan Ma'am Amber! Lalo ka yatang gumanda ngayon ah?" Natawa siya sa pambobolang ginawa sa akin! Nakakaloka naman si Ate hahaha "Si Ma'am Kyomi nasa opisina po ni Sir Artemis."

Napangisi ako sa narinig at nagpa-alam na sa kanya para magtungo sa opisina ni Artemis!

Ayoko na siyang tawaging lab ob my layp kasi baka naman assuming lang ako sa ginawa niyang pagligtas sa akin doon sa Bar noong nakaraang araw. Kahit pa tinawag niya akong "my girl" that night!

Masaya rin ako dahil simula noon ay kinausap na niya ako, pakiramdam ko tuloy ay napatawad niya na ako sa nangyari.



"Nasa loob si Tita Kyomi?" tanong ko sa secretary ni Artemis.

"Yes po Ma'am."

"Pwedeng pumasok or?"

"You can go Ma'am, nandoon rin naman po sina Ma'am Shaira at Ma'am Sheena."

"Okay, thanks."

I knocked three times bago ko binuksan ang pintuan.

Nakita ko silang lahat na nakaupo sa couch at mukhang may pinag-uusapan.

"I'm sorry, My timing was off."

"No Amber, you can come." Ngumiti ako saka lumapit kay Tita Kyomi saka inabot sa kanya ang statement of account and ang dividends for shareholders, shareholder kasi siya sa Cafe Lava ni Mommy.

Sobrang laking tulong niya kay Mommy noong mga dalaga pa sila dahil sa investment niya ay nagkaroon ng iilang branch ang Cafe Lava hanggang sa naparami na lang 'to ni Mom.

"Thanks Amber." Hindi niya tiningnan ang mga dala ko at inilapag lang 'yun sa isang tabi ng table niya.

Pinaupo ako ni Tita Sheena sa kanyang tabi pagkatapos ko silang batiin.

"So Amber, malapit na ang birthday mo. Saan mo balak mag-celebrate?" Nakangiti si Tita Shaira bago humigop ng kape.

"Wala pa po akong plan, pero baka sa bahay na lang din po."

Napansin kong nakatitig sa akin si Artemis kaya naman tiningnan ko siya. He smiled.

"Well sabagay, para maiba naman!" natatawang sagot ni Tita Shaira.

"Eh Kyomi how about Inna's 5th year Death Anniversary?"

Saglit na dumaan ang kalungkutan sa mga mata niya bago sumagot.

"Same as before 'couz." Sagot ni Tita.

"Kawawa naman si Elan ano? Ilang death anniversary na ni Inna ang hindi niya napuntahan kahit nga noong lamay at libing ay wala siya."-Tita Sheena

Parang may dumagan na isang sako ng bigas sa dibdib ko na siyang nagpabigat sa aking pakiramdam.

"I'm praying that he will have a courage to accept what was done."

Mas mauuna ang death Anniversary ni Inna bago ang birthday ko.

Napatingin ako kay Artemis at napansin ko na nakatingin pa rin pala siya sa akin.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon