Soshi's Note: Hi myluvs! Sorry natagalan ang update, wala aksi akong day off as in straight 2 weeks na kong nag wo-work. I plan to finish this book until December if time and my schedule permits hehe.
INNA'S POV
Ang imbitasyon na para lang sa akin ay nauwi para sa lahat. Mabuti na lang at weekend bukas kaya walang pasok.
Binilisan ko ang pagkain ng dinner dahil kanina pa 'ko kinukulit ni Tito Josh kung ano na raw ba ang status namin ng anak niya?
At kahit ngayon na hindi siya nagsasalita ay mapang-asar ang mga tingin at ngiti na ibinibigay niya sa akin.
Nauna akong natapos kumain at napansin iyon ni Mommy. Sinabi ko na lang na busog pa ako dahil sa mga kinain ko sa hospital which is totoo naman.
Nagpaalam ako sa kanila na mauuna na 'ko sa sala nang makatangap ng text mula sa unknown number.
"Saving Lives Organization?"
Ang sabi ay isa raw ako sa major sponsor nila at nakuha nila ang number ko kay Mommy. Gusto nilang pumunta ako sa Sunday dahil may pa-welcome back party sila sa akin.
Errrr~
Hindi ko alam pero hindi talaga ako mahilig sa party.
"Princess."
Nilingon ko ang Daddy na nakaupo sa sofa at ni-tap ang espasyo sa kanyang tabi kaya naupo ako roon.
"Dad, may charity ba akong sinusuportahan before?"
Lumapad ang ngiti niya at hinaplos ang buhok ko.
"Actually CHARITIES. You have a lot, aside from supporting your Mom's charity too."
"Isa po ba 'to roon?"
Pinakita ko ang text na natanggap ko kanina at tumango siya.
"Your Mom told me about that earlier. Don't worry, we will go with you."
Hindi lang naman iyon ang pinag-aalala ko.
"Hindi po ba nakakahiya? Five years na akong hindi nakakasuporta sa kanila?"
"Si Mommy mo ang nagbibigay ng donation under your name. Hindi naman niya binitiwan 'yun."
"talaga po?"
He nodded.
I was overwhelmed by what I hear kaya nang dumating si Mommy kasabay si Tita Yaz ay niyakap ko siya.
"Thanks Mom."
Halatang gulat siya at walang ideya kaya sabay kaming natawa ni Daddy.
"Pinaglalaruan niyo ba akong mag-ama?"
"Your temper beshy."
Umiiling pero nakangiting suway ni Tita Yaz kay Mom.
"I'm just thankful Mom. Kasi tinuloy mo ang charity ko kahit nung inakala ninyong wala na ako----"
"Stop right there Inna. Ayoko nang marinig 'yan. You're here...... With us..... Hindi ko na gustong bumalik pa sa mga panahong 'yun."
"Sorry po."
"And besides, ngayong bumalik ka na. Ikaw na ulit ang mag-sponsor dun! Ang dami mong charity eh!" She said laughing kaya natawa rin ako.
Lumapit sa akin si Tita Yaz at inayos ang pagkakalagay ng buhok ko sa balikat.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!