XXXIV-After 5 Years

85 5 14
                                    

JHEA'S POV




I sat on the grass and put her favorite flower on her tombstone.

"Hi Twin, Miss me?"

Pagsisimula ko. Dati-rati kapag bumibisita ako sa kanya ay mabigat ang pakiramdam ko at parating umiiyak pero itong mga nagdaang taon ay magaan na ang loob ko, wala na iyong bigat.

"Siyempre hindi ka makakasagot bakit pa ba ako nagtanong? Hahaha. Pero joke lang baka bigla kang bumangon diyan at batukan ako eh."

Umihip ang malakas at malamig na hangin.

"Twin ikaw ba yan? huwag ka namang manakot. Alam mo namang matatakutin ako hindi ba?"

Pero siyempre ulit, wala naman akong makukuhang sagot.

"Sorry nga pala at hindi ako nakadalaw noong 4th Annievrsary mo. Nasa London kasi ako at maraming tinatapos para sa Anderson Empire. Shocks! Alam mo bang hindi nagtagal ang pagiging model ko?! Ginawa akong CEO ni Mommy like hell diba?! Makululong lang ang kagandahan at kaseksihan ko sa apat na sulok ng opisina!"

Kapag may rant ako lalo na kapag kaartehan ay sa kanya pa rin ako nagpupunta because she never judge me because of it.

"Akala ko madali ang maging CEO like upo-upo ka lang, meetings then signs pero grabe! Ang hirap pala! Kapag mas mataas ang position mo mas mahirap pala lalo nakasalalay sa'yo ang lahat."

"Pero alam mo ano ang isang magandang outcome dun? Na-realize kong matalino rin pala ako? HAHAHA! Akalain mo 'yun napataob at napahiya ko yung mga Board members na against sa akin dahil modelling lang daw ang alam ko at pagpapaganda like hello?! Kahit hindi ako tapos ng business course kaya ko silang pakainin ng alikabok!"

I said flipping my hair.

I could imagine her laughing hard right now.

"Enough for me, kasi okay naman ang life at lovelife ko. Baliw na baliw pa rin sa akin yung pinsan mo hahahhaa! Ganda ng bestfriend mo diba?!"

Kung may makakakita siguro sa akin ngayon, aakalaing nababaliw na ako.

"As for Ate Amber, she's managing their business pero ayun nga lang walang lovelife. Nagbago na ang Isang iyon at hindi na puro kalokohan, kaunti na lang hahaha! Magugulat ka kapag nakita mo!"

"Si Faye naman, managing their business rin at ito ang chika! Sila na ni Hades! I mean, nagka-aminan na sila katagalan and going strong for two years na ang relasyon nila in fairness. Balita ko rin na ime-merge na ang business nila sa Nase Empire."

"As for your cousins, si Heather graduating na, ayun maarte pa rin at may boyfreind na rin taga Eastridge din yung guy pero hindi ko pa nami-meet since fresh from London pa ang beshy mo!"

"Yung pinsan mong si Gabriel, nililigawan ang kapatid ko. Mukha namang papasa sa kapatid ko halata kasing inlove pero denial queen! Nagmana yata kay Mommy! Si Kuya Steven naman magpapakasal na sila ni Celeste this year. Ikaw daw ang cupid sa kanila kaya sayang at hindi ka makaka-attend sa kasal nila."

"And" I heave a sigh. "For your family, okay naman sila, though mas lalong naging Ruthless ang kapatid mo! Grabe kung magpayaman ah! Balak yatang daigin si Elon Musk! On the other side, magpa-pari na talaga yata 'yun just like Kuya Elan!"

Tiningnan ko nang nakakaloko si Tiwn. "Hinuli ko talaga siya kasi alam kong gustong-gusto mo ang makarinig ng balita sa kanya hahaha!" Kung buhay lang ito paniguradong nabatukan na niya ako.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon