II - BOYS VS. GIRLS

154 5 9
                                    

AMBER'S POV

"So now...... Guys and Girls, quiet nga muna! O gusto niyo kayo na lang mag-explain ng rules dito?! Oh ano?!"

Tawang-tawa kami kay Tito Stell na namumutok na ang ugat sa leeg kakasigaw! Paano ba naman walang nakikinig sa kanya dahil nagtatalo na ang mga babae at lalaki kung sino ang mananalo sa games.

Hinati kami as Boys VS. Girls na team. Sayang nga eh akala ko makaka-team ko si lab ob my layp ko.

"Yan! Makinig nga daw kasi muna!" Pagsusunget ni Tito Justin kay Tita Mira which Tita Mira just rolled her eyes and said. "Kami pa rin ang mananalo. Right bessy?"

Tumango naman si Tita Kyomi and Tito Justin asked Tito Ken for help but Tito Ken just agree with Tita Kyomi Pfft! HAHAHAHA

Mas lalo tuloy na-bwesit si Tito Justin!

"Ano po ba ang games Tito Stell?" Tanong ni Kass.

"hmm... secret."

Secret daw pero tanaw ko na yung mga obstacle course at mga putikan!

"Awit! Gagapang tayo sa putikan?"

Tanong ko at nagsimula namang mag-panic yung mag-inang maarte.

"Oh Gosh! You should've informed us Stell na madudumihan lang 'tong Fendi swimsuit ko."-Tita Mira

"and my nails Mom! Kakapagawa ko lang nito! "-maarteng sabi ni Jhea.

"Jusko mag-ina talaga." Komento ni Tita Shaira sa tabi ko.

"PFFT! At hindi lang 'yan basta putik girls! May mga tae rin yan ng kalabaw hahahaha"

"What?!"

Pati ako napareklamo na sa sinabi ni Tito Stell! Hindi naman ako maarte pero wala rin akong balak gumapang sa putik na may tae pa ng mga kalabaw ano!

"No. I'm out."-Tita Mira

"me too."-Jhea

Sinilip ko si Artemis na nakakunot ang noo habang nakikinig kay Tito Stell. HAHA. Hindi niya rin siguro ma-imagine na gumapang sa ganun.

"hephep! Walang pwedeng mag-back out kung hindi mag fa-fine ng 50 Million at siya ang magbabayad ng lahat ng gastos sa tour na 'to!"

Nakangising sabi ni Tito Stell sa amin. Nakita ko namang napasimangot na si Future Sis habang nakasandal sa puno kaya nilapitan ko.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." Pero tumango lang siya tapos nagbuntong-hininga. Problema nito? Hindi pa rin ba sila bati ni Artemis at mga pinsan niya?

"'Couz" Hinagisan ni Gab ng swimwear si future sis. Hindi pa kasi ito nagpapalit. Ako naman naka-swimwear na pero yung rash guard dahil nakaka-imbyerna ang mag two-piece o one-piece. Ang lakas makalamya.

Nakita kong tinabi niya lang yung paperbag na inabot ng pinsan niya.

Bati na ba sila o hindi pa? Ni-hindi niya tinapunan ng tingin man lang si Gabriel eh.

"Ayokong mag-two piece Ate."

Wala pa nga akong tinatanong alam niya na. Parang si Tita Kyomi talaga ang isang 'to.

"So ganyan lang suot mo?"

Naka-short lang siya tapos black na T-shirt at tsinelas pero take note.... Nakakadali pa rin siya ng mga lalaking napapatingin sa kanya.
Kaso parang wala pa sa isip nito ang mag-boyfriend. Samantalang ako bata pa lang, nililigawan ko na ang Kuya niya hihi! Pakipot lang eh.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon