JHEA'S POV
Huminga ako nang malalim bago magsimula ang play!
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko si Dad sa harapan!
Ang sabi niya hindi siya makakapunta?
But him, being the Best Dad, always find a way para maka-attend sa mga event naming dalawa ni Kass.
"Boo!"
"Oh my Gosh! What the! Bakit ka ba nanggugulat Kuya Stephen?"
"Sino sinisilip mo diyan?"
"Wala kang pake. At saka bakit ka narito? Hindi ka naman member ng Theater Club."
"Just came by to say Goodluck!"
Infairness walang halong pang-aasar ang expressions and tone niya.
"Thanks."
"We'll be watching."
Tumango lang ako tapos umalis na rin siya pagkatapos mag-goodluck sa dalawa.
This is my first ever lead role na mapapanuod ni Dad kaya grabe ang kaba ko!
Natapos ang play sa loob nang dalawang oras at masasabi kong it was a success!!
Nagpalakpakan ang mga audience and with standing ovation pa ang parents ko pati na sila Tita Yasmeen!
Pagkatapos kaming ipakilala na mga gumanap ay nag-bow kami nang sabay-sabay bago bumaba ng stage. Medyo nahihirapan lang akong ihakbang ang kanang binti ko.
"Okay ka lang? Kaya mong bumaba?"
Napangiti ako nang alalayan ako ni Twin pababa. Naging totohanan talaga yung dapat na scripted kong pagkadapa dahil napatid ako sa isang props.
Hindi naman porke maganda perfect na.
"Kaya ko naman. Medyo masakit lang."
Pinaupo niya ako sa upuan tapos may tinawagan.
"Who are you calling?"
Ngumiti lang siya maya-maya pa ay nakita kong papalapit si Kuya Stephen.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!