CELESTE'S POV
"OH MY GOD! TOTOO BA?!"
"Sssshh... Lower down your voice."
"Ay sorry" Nakangisi pa rin ako!
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya! Buhay si Inna at nakabalik na raw ito sa kanyang pamilya!
"Pwede ba natin siyang makita? Miss ko na ang kaibigan ko Mahal."
Ngumiti ang fiancee ko. Napaka-gwapo niya talaga!
"Sa makalawa na Mahal binibigyan muna namin ng private time ang pamilya nila. May sakit kasi si Inna."
"Sakit? What do you mean?"
"She suffered from Traumatic Brain Injury at wala siyang maalala. Kaya ganun. Sinabi ko ito sa'yo para hindi ka magulat kapag nagkita kayo."
Nalungkot ako sa narinig nang ikwento niya kung ano ang napag-daanan ni Inna sa kamay nang mga dumukot sa kanya!
Napakahalang ang mga kaluluwa!!! Ngayon siguradong nabubulok na sila sa impyerno!
"Light up Mahal. Ayokong masira ang mood mo."
Pumasok na kami ng sinehan at hindi niya alam na The Nun ang movie na pinili ko hahahaha!
Alam kong matatakutin si Steven, at paborito ko naman ang horror movies kaya magtiis siya!
Habang nanunuod kami ng movie ay walang humpay sa kasisigaw itong katabi ko to the point na nasasaway na kami ng ibang nanunuod!!!!
"Ilang beses na tayong nanunuod ng horror movies, hindi ka pa rin ba nasanay?"
Tawang-tawa ako nang makalabas kami ng sinehan at namumutla na ang itsura niya hahahaha!!!
"Pero infairness sa'yo, natapos mo ang movie ah."
Dugtong ko nang hindi siya magsalita.
"Tch. Kung hindi lang kita Mahal."
He said then puts his arms around my shoulder.
"So where's next?"
He pulls me towards Arcade!
Naku! Makakaubos na naman siya nang ilang libo diyan kakalaro! Sobrang competittive at ayaw kasi magpatalo!
"Hal, bilis!"
Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti naman akong nagpatangay sa kanya!
------------------------------------------
INNA'S POV
Paikot-ikot ako sa malaking mansion para atleast makabisado ko kahit papaano. Hindi pa rin ako makapaniwalang napakayaman pala ng pamilyang pinanggalingan ko!
May pinakita pa si Mommy na iilang magazine na ako ang cover!
Akalain mo 'yun! Dati pala akong model hahaha!
Hindi ko man natatandaan pero hindi ko maikakaila na ako ang nasa larawan.
Napapailing pa rin ako sa isipin na ang isang kasambahay na kagaya ko ay isa palang International model.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa madako ako sa swimming pool.
Naupo ako sa gilid ng pool habang nakalublob ang aking mga paa nang dumating si Dad.
Naiilang pa rin akong tawagin sila nang ganun pero napapagalitan lang nila ako sa tuwing tatawagin ko sila ng Ma'am o hindi kaya Sir.
"Ano ang iniisip mo Princess?"
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!