LIII - GIFT FROM GOD

33 4 9
                                    

Soshi's Note: Hi Myluvs, Last 2 Chapters na :) Please don't forget to vote and comment naman diyan, ang daming silent reader nito hahaha





*11 MONTHS LATER*



JHEA'S POV




I'm holding the cutest baby ever in my arm. 

I'm so happy that he's not crying on me!

Medyo yumuko ako nang kaunti para kausapin si Twin she's in a wheelchair right now dahil bigla na lang nanghina ang mga binti niya kanina.

"See? Hindi umiiyak itong inaanak ko kapag maganda ang may hawak sa kanya."

Siyempre nakatikim naman kaagad ako ng batok mula kay Ate Amber, dahil umiyak si Mateo sa kamay niya at nang kunin ko ay saka lang tumahan.

"Tinatakot mo kasi!" I teased her.

Halatang gusto niya akong sapukin mabuti na lang at hawak ko itong inaanak ko.

"Kalalabas lang natin ng simbahan." suway sa amin ni Faye.

Kinuha ni Kuya Elan sa akin ang baby niya at ako naman ang nagtulak ng wheelchair ni Twin patungo na kami sa reception.

While we were inside of the limo, Stephen suddenly asked me kung gusto ko na raw bang magka-anak?... Binatukan ko nga! Hindi pa ako ready. Marami pa akong commitments sa mga brands na hawak ko at isa doon ay hindi ako pwedeng mabuntis sa loob ng three years!

"Hindi mo pa nga ako pinapakasalan eh!" I said rolling my eyes.

"Pakasalan mo na nga, Kuya." Mahina kong hinigit ang buhok ni Heather at siyempre dahil OA siya ay tumili pa! Kinampihan pa nung boyfriend niya. Psh.

In fairness, nag tagal sila ah.



Nauna na sa reception ang masho-shonda kaya naman pagdating namin ay sinalubong kaagad kami nila Tita Kyomi at kinuha kaagad si Mateo. Nakalimutan yata nila na si Inna ang anak nila.

Dati kinukulit ko pa si Twin kung bakit Mateo ang ipinangalan nila sa inaanak ko dahil ang panget at very common, pero nakonsensiya kaagad ako nang malaman ko ang meaning behind his name.

Mateo means gift of God pala. Kaya ayun feeling ko ay nabawasan ng 1,000 points ang puntos ko sa langit.



Sumama pa ako sa bahay nila Tita Kyomi pag-uwi, doon nakatira sila Twin kesa sa bahay nila noon ni Kuya Elan, dahil mas napapadalas na ang pamamalagi niya sa hospital.


Hindi ko namalayan na inabutan na ako ng gabi dahil dumating rin sila ni Hades at Faye, maging si Kyler na kaibigan nina Heather at Inna.

Umakyat ako sa kwarto niya at dahil bukas naman yun ay nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok. Nakatulog na sa crib si baby Mateo at nakita kong nasa terrace ang mag-asawa habang magkahawak ang kamay!

Ang sweet talaga nang dalawang 'to!

Tatawagin ko sana sila nang marinig ko ang sinabi ni Twin.

"Mahal, kapag nawala na ako. Mag-aasawa ka pa ba ulit?"

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon