XXXIX - WELCOME BACK

118 4 37
                                    

Soshi's Note: Pinilit ko talaga na makapag-UD sa birthday ni Josh at napagkasya naman sa sched hahahha! Happy Birthday to our manly cutie bunny!!! Enjoy reading myluvs!

Soshi's Note: Pinilit ko talaga na makapag-UD sa birthday ni Josh at napagkasya naman sa sched hahahha! Happy Birthday to our manly cutie bunny!!! Enjoy reading myluvs!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ELISA'S POV



Wala na akong nagawa nang hatakin ako ng estranghero papunta sa sasakyan niya.

Pagdating namin doon ay may iilang lalaki ang nasa sasakyan at may mga hawak ding baril.

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon siya sa akin. Ngumiti siya na para bang model siya sa isang toothpaste commercial.

"Don't be afraid. They won't hurt you." at ang lalaking ito na ang pangalan raw ay Elan ay kanina pa Englis ng Englis halos wala naman akong maintindihan!

Kanina niya pa ring hawak ang kamay ko!

Anong tingin niya sa akin bata na mawawala kapag binitiwan?

"HALA!"

"OH MY GOD!"

Nagulat yung tatlong lalaki nang makita ako. Yung itsura nila para bang nakakita sila ng multo! Nanglalaki ang mga mata at may pagtakip pa sa bibig.

Yung isa ay may pagturo pa sa akin.

"Inna?" tawag sa akin nung lalaking nakasuot ng uniporme ng piloto.

"Ikaw ba yan insan?" Magkamukha sila nung lalaking tumawag sa akin na Inna! Kambal siguro sila?

Yung isa naman ay nakatulala lang sa akin.

"As I said, she doesn't have any memories of us."

"Awww bro! Paano 'yan? Pati ikaw hindi ka rin niya kilala?" Tiningnan ako nung Elan tapos ngumiti sa akin! Ayan na naman ang puso ko at parang nagdiriwang!!!!

Bakit ba kasi siya ngiti ng ngiti?

Lumapit sa akin yung piloto tapos niyakap ako bigla!

"T---teka!"

"I'm Steven, your cousin." Sabi niya tapos ginulo ang buhok ko. "Na-miss kita 'couz."

Sumunod yung Stephen, kambal niya raw si Steven at gaya ng ginawa ng kambal niya ay ginulo niya rin ang buhok ko sabay pisat-pisat sa pisngi ko!

Nakatakas nga ako sa kamay ng mga demonyo ngunit mukhang napunta naman ako sa grupo ng mga werdo!

Nilingon ko yung lalaking kanina pang nakangiti habang nakatitig sa akin.

"Elan, yung pangako mo sa akin na ligtas na makakabalik si Heather ah."

"Don't worry Aphrodite, his Dad and our Dads are on the way to save her. Stop worrying."

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon