Soshi's Note: Long Chapter ahead! Please don't forget to vote anc comment myluvs!
ELISA'S POV
Kasama ko si Manang Lokring na mamalengke rito sa Bayan. Natapos na ako sa mga nakatoka sa aking mga dapat bilhin kaya naghihintay na lamang ako rito sa bukana ng palengke.
Nakatawag nang pansin sa akin ang isang magazine kaya lumapit ako sa isang grocery store at pinagmasdan ang lalaking nasa cover ng magazine na 'yun.
Sa hindi ko malamang dahilan ay familliar na familliar sa akin ang lalaki ngunit hindi ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita?
"Ellan Jace Cullen Santos? Owner of Cullen's Empire and Eastridge Academy and Eastridge University? Wow! Ang yaman naman pala nito kahit mukhang bata pa base sa itsura niya."
Sabagay, pwedeng galing talaga siya sa mayamang pamilya at pinamana sa kanya 'yun!
Ang swerte niya kung ganun nga. Hindi niya kailangang maghirap pa kagaya ko.
"Bibilhin mo ba 'yan Miss?"
"Po? Hi---hindi na po."
Kaagad akong uamlis at bumalik sa kinatatayuan ko kanina.
Wala na akong pera at naubos na ang ipon ko mula sa bigay ni Sir Kyler sa akin.Ayoko sanang tanggapin pero sabi niya sahod ko raw 'yun sa pagsisilbi sa pamilya niya. Hindi kasi ako pinapasahuran nang mga nakakatanda niyang kapatid simula nang mailigtas nila ako sa sunog. Hindi na rin ako nagreklamo bilang malaki ang utang na loob ko sa kanila.
Mabuti na nga lang at ibang-iba si Kyler sa kanila!
Saglit kong sinilip ang cellphone na binili ko.
Kailangan naming makatakas ni Ma'am Heather at sa tingin ko makakatulong ang kasangkapan na 'to para maka-konekta siya at makahingi nang tulong sa pamilya niya.
Siya na lang pag-asa ko. Narinig ko sa usap-uspan ng ibang kasambahay na mayaman at ma-impluwensiya raw ang pamilyang pinanggalingan ni Ma'am Heather kaya naman inilabas ko na ang lahat nang naipon ko para makabili nito.
Tutulungan naman siguro ako ng pamilya niya dahil tinulungan ko ang anak nila? Sana nga.
Nang makauwi kami mula sa pamamalengke ay saktong wala roon sila Sir Richard at Ismael.
Kumatok ako sa pinto ng silid ni Ma'am Heather pero hindi niya binubuksan kaya tinawag ko ang pangalan niya at maya-maya ay binuksan rin niya ang pinto.
"Ma'am! Good Morning po!"
Nakangiti kong bati saka inabot ang binili.kong cellphone para sa kanya.
"Para saan 'to Ate?"
"Para matawagan mo ang pamilya mo. May sim card at load na rin 'yan, nagpatulong ako roon sa tindera hehe, wala akong ganyan kaya hindi ako maalam gumamit." Napakamot pa ako ng ulo dahil sa hiya.
Nakita kong paiyak na siya! Hala! Bakit?
Bigla ay niyakap niya ako.
"Ohhh.. I love you na talaga Ate! I badly needed this!"
Napangiti na lang ako dahil hindi ko naintindihan yung huli niyang sinabi.
"Pwede ba akong tumawag ngayon?"
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!