XXVI - NOT MY BOYFRIEND

84 2 8
                                    

INNA'S POV



Because I was still hungry, I just ate at a Korean restaurant here in Eastridge, but I also couldn't eat properly because of the stares and whispers from the students here, so I just hurriedly finished my meal.

Sa sobrang pagmamadali ko pa nga sa pagkain feeling ko hindi ako matutunawan.

Kainis naman.

Ano ba ang nangyayari?

"Kienna!" Tumatakbo papalapit sa akin si Ate Laura. "Okay ka lang ba?" tanong niya kaagad nang makarating sa harapan ko. Nagsalubong ang mga kilay ko bago ibalik ang tanong.

"Did something happen?"

Tinitigan niya muna ako nang mga ilang segundo bago natawa.

"Ah! Hahahaha wala! Nabalitaan ko lang kasi ang nangyari sa inyo ni Zoe sa cafeteria."

"Ilang ampalaya kaya kinain nun at napaka-bitter?" Pagbibiro ko.

Naglabas siya ng cellphone tapos parang may ni-chat.

"Wala kang pasok today Ate?"

"Ah meron. Pero tapos na."

"Saan ang punta mo?" Dugtong pa niya.

"Uhmm... Maybe sa library na lang since malapit na mag-umpisa ang next subject ko po."

"Ah okay, sige ingat ka!"

She's kinda weird today but I just shrug.

Mag la-last minute review na lang muna ako. Balak kong i-perfect ang mga exams para naman maging proud ang mga parents ko sa akin.



"I'm done!" Nakangisi kong saad sa terror naming Prof.

Isa ako sa mga unang nagpasa ng test paper.

Tinaasan niya ako ng kilay bago sinabing pwede na raw akong lumabas ng classrom.

Nakangisi akong naglalakad papuntang library dahil sigurado ako sa lahat ng sagot ko hehehe

"Twin!"

"T---teka!" Medyo nilayo ko siya sa akin. Kung makayakap naman parang hindi kami magkasama kagabi!

Nabigla ako nang parang paiyak na siya!

"Bakit anong nangyari? Nag-away ba kayo ng pinsan ko?" Tiningnan ko nang masama si Kuya Stephen, subukan niya lang talaga lokohin 'tong bestfriend ko!

"Oyy teka---insan. Hindi naman ako ang nagpaiyak diyan eh."

Nagulat ako nang hilahin ni Ate Amber si Twin sa harapan ko tapos nagkumpulan silang apat at may pinag-uusapan?

"Hoy ano yan? Bakit hindi ako kasali?"

Bigla silang nagpulasan nang makalapit ako. I pouted.

"Ganyanan ah. Taguan."

"Hephep. Saan ka pupunta kanina ka pa namin kaya hinahanap tapos lalayasan mo lang kami?"

Tinaasan ko ng kilay si Faye.

"Hinahanap niyo ako bakit?"

"Nakapatay ba ang phone mo?"

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon