INNA'S POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maabutan si Kuya.
"Good Morning hehehe"
Tiningnan niya ako nang may pagtataka.
"Bakit ang aga mong nagising, may kailangan ka noh?"
"Grabe siya! Alam mo Kuya" hirit ko habang kumakain siya ng almusal. Nakabihis na rin siya.
Tumaas ang kilay niya sa akin hahahaha
Kilalang-kilala talaga ako nito!
"Ang gwapo mo pala kahit magulo pa ang buhok mo noh?!"
Nag-panic ako ng bigla siyang mabilaukan! Mabilis ko siyang inabutan ng tubig pero pagkatapos niyang uminom ay kinutusan lang ako!
"Aray! Para saan 'yun?"
"Ano bang nakain mo kagabi?" naiinis niyang tanong sa akin hahaha
"Pareho lang naman tayo ng kinain sa resto ah."
"What do you need liitle devil?"
"Ouch! Sinabihan ka na ngang gwapo, masama pa ako bigla."
He smirk.
Kung wala lang talaga akong kailangan hindi naman kita kakausapin at lalong hindi kita sasabihan ng gwapo!
"Hmmm... Libre mo naman ako."
Napahinto siya sa pagsubo at tuluyang ibinalik ang kutsara sa plato Pfft!
"Bakit? Saan mo gagamitin?"
"Hindi ba aalis kami mamaya nila Ate Amber, tapos wala akong pera hehehe"
"Tsk. Where's your wallet?"
"Nasa kwarto. Bakit?"
Bakit niya hinahanap ang wallet ko? Wala namang laman yun eh.
Inutusan niya ang isa naming kasambahay na kunin ang wallet ko sa kwarto.
Pagdating ay binuksan niya yun. Nginisihan niya pa ako ng picture namin ni Elan ang nanduon. Wallet ko yan noon pa eh at yung picture na yan, kuha daw yan noong itinanghal kaming King and Queen ng Eastridge University.
Hindi ko lang alam kung bakit mukhang hindi masaya si Elan sa picture.
"here are your money."
"eh diba ATM card yan?"
"No. This is a credit card." Inilabas niya yung limang black cards. "and these are your savings cards. Pero huwag mong gagalawin 'to dahil para 'to sa savings mo." sabi niya doon sa tatlong card na iba ang kulay.
Pare-pareho lang naman yang card sa akin.
"Ito ang pera natin. We usually don't carry cash."
"Paano ko ba gagamitin 'yan?" Hindi naman naituro sa akin paano gagamitin ang black cards.
Sabi niya iabot ko lang daw ang card kapag magbabayad na ako and i-swipe lang daw yun ng cashier.
"Alam mo ba kung magkano ang laman nito?"
Umiling ako.
"Walang limit 'to little sis. You can even spend billions using these."
BINABASA MO ANG
THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)
Teen FictionAnd the story of SB19 continues.... SB19 Series Sequel!!!