XLII - LQ?

93 4 6
                                    

HEATHER'S POV



Kuya Stephen's snack competition with Gabriel made me laugh!

Akala mo hindi nakakakain eh!

"Ate Jhea, hiwalayan mo na nga 'to!" Nagkamot ng ulo si Gab sabay hampas sa kamay ni Kuya hahaha

Si Ate Jhea naman ay natawa lang.

Masaya ako ngayon dahil nakalabas na ako tapos sinundo pa nila akong lahat. Si Kuya Steven lang ang wala dahil may flight but he VC'ed me bago ako ma-discharge.

"Hindi ka pa ba nagugutom?"

Ang sweet naman ng boyfriend ko!

I shook my head because I was really full.

"How about you eat? Para may strength ka later since need ninyo nang bumalik ng Eastridge."

"Sure Babe."

Narinig 'yun ni Kuya Stephen at Gabriel at hindi na naman nila ako tinigilan sa kaka-asar!

"Buti sinagot mo na pinsan namin sa panliligaw sa'yo Jake?"

"Baliw!" Inirapan ko siya.

Nabaling ang attention niya when our maid brings another food on the table. Halos maglaway na si Kuya Stephen. Yuck!

"Hindi ka ba pinapakain ni Tita Shai?" Gab teases him.

"Hindi! Kaya 'wag kang umepal gutom ang pogi eh!"

"Gwapong-gwapo ka naman sa sarili mo." Ate Jhea rolled her eyes.

Ngumuso si Kuya habang puno pa ng pagkain ang bibig!

Ewww!! Gross!

"Panget na ba 'ko Love?"

Nakakadiri talaga si Kuya kapag gumaganyan na siya sa girlfriend niya!

Bigla ay tumayo si Kuya Artemis nagpaalam na aalis na dahil may kailangan siyang gawin sa MNZ. Isasama niya si Ate Inna.

"Bye Guys!"

"Bye Twin! Bukas ah!"

"Sige."


******************************

INNA'S POV


Napalingon ako sa Kuya kong mahinang natatawa habang nagma-maneho. Kanina pa akong nakatitig sa cellphone ko at napansin niya siguro.

"Are you waiting for your boyfriend's text?"

Busted.

Hindi ako sumagot at itinuon na lang ang paningin sa kalsada. Ang sabi niya ay hahabol siya sa pagsundo sa pinsan ko. Ngunit hanggang sa matapos kami ay wala pa siya at wala man lang text.

"You're pouting. You know that right."

Kunot-noo ko siyang nilingon at hindi ko alam kung bakit enjoy na enjoy si Kuya Artemis na asarin ako.

"Why don't you text him first?"

Bakit ba 'to English ng English?

Pero napalunok ako ng laway sa sinabi niya.

"Hindi na. Baka marami pa siyang mas mahalagang inaasikaso."

Ayoko namang maging needy or clingy girlfriend. Baka mapabayaan na niya ang iba pa niyang tungkulin dahil sa akin.

THE ROYAL LOVE STORY (SB19 Series Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon