***NIGHTMARE***
"Hey kid are you ok?" tanong ko sa batang babaeng kanina kopa nakitang umiiyak dito nung dumaan kami sa playground ng subdivision kung saan kami bumisita para sa isang birthday party.
Pero hinde ako nagtagal dun sa lugar kung saan nagaganap ang party at umalis talaga ako para pumunta dito sa playground dahil nakita ko siya dito.
Napakaganda niya at maputi mistisang mistisa at mukhang naalagaan ng mabuti ang kutis.
Shoulder length ang buhok niya at naka ponytail siya ng ribbon clip na kulay maroon.
Nakasuot siya ng maroon maxi dress na below the knee at sobrang cute niya tignan mukha siyang galing sa party at mukha rin siyang mayaman.
Mag gagabi na at nandito padin siya at nakaupo sa duyan.
Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako, natuyo na ang luha sa mata niya at walang emosyong mababakas dito habang tinitignan niya ako.
Hinde siya sumagot at nanatili lang na nakatingin ng deretso sa mata ko na parang pinapasok ang kaluluwa ko.
Napakabata niya pa mukha lang siyang sampong taong gulang pero ganon na siya makatingin.
"Here take this" inabot ko sa kanya ang panyo ko para ipamunas niya sa luha niya.
Tinignan niya muna ako at tinignan ang panyo bago abotin ito at pinunasan ang luha sa mata niya.
Hinde parin siya nagsasalita, naisip ko na baka nahihiya lang siya o baka pipi siya kaya umupo nadin ako sa duyan sa tabi niya at kinausap siya ulit.
"Nawawala kaba? Gusto mo tulungan kitang makauwi? Saan kaba nakatira?" sunod sunod na tanong ko.
Hinde ako sigurado kung naintindihan niya ba ang sinabi ko kasi mukha siyang may lahi.
I already talked to her in english but she didn't answer.
Tumingin ulit siya sakin bago umiling.
"Ayoko po muna umuwi" aniya bago yumuko ulit at sinuri ang nakasulat sa panyong binigay ko sa kanya.
Merong naka burda sa edge ng panyo na capital M na may nakahigang half moon sa gitna na legacy symbol ng family madrigal at nakaburda din ang capitals ng name kong F.M sa baba.
Blue ang panyo at gold ang burda, nag iisa lang ang panyong yun dahil lola kopa ang nagbigay sakin.
"Thank you po but my mommy said never talk to stranger daw po" maya maya ay sabi niya at tinignan ulit ko sa mata.
Namamangha ako sa paraan ng pagtingin niya sakin dahil sa murang edad ay parang marunong na siyang mangilatis ng taong kausap niya.
"Ganon ba? Then let me introduce my self" ang sabi ko naman.
Nginitian ko siya ng matamis at tumayo ako para lumuhod sa harap niya.
"Hi ako nga pala si kuya bong ikaw whats your name?" magiliw kong tanong sa kanya at inabot ang kamay ko for a handshake.
Tinignan niya ng matagal ang kamay kong nakalahad sa harap niya.
Mukhang pinag iisipan niya kung tatanggapin niya ba ang kamay ko at magpapakilala.
YOU ARE READING
ALL OF YOU
RomanceTwo person bound by their unsettled past and found each other in a most indefinite circumstances. BBM and Sara fictional story ❤️💚