**Dont you dare touch my man**
Nagising akong wala si sara sa tabi ko kaya napabangon ako bigla.
Nagmadali akong magbihis para tignan kung saan siya nagpunta.
Pagsilip ko sa baba ng tree house ay nandoon lang pala siya at kasalukuyang may kausap sa phone.
Kumunot ang noo ko sa lagay ng itsura niya,
Masyadong seryuso at mukhang sa itsura niya ngayon meron na siyang itutumba.
"Do something about it bruce hanapan mo ako ng ebidensya" seryusong aniya.
Nagtataka ako sa tono ng salita niya, halatang may galit.
Mukhang hinde niya namalayan ang paglapit ko dahil sa sobrang engrossed siya sa kausap niya.
Ipinagkibit balikat ko nalang kung ano man ang narinig ko.
Naiintindihan ko naman na malihim talaga siyang tao at nirerespeto ko ang mga bagay na ayaw niyang malaman ko.
Tahimik akong lumapit sa kanya at dahan dahan akong yumakap sa likod niya na ikinapitlag niya.
"What is it love, ang aga aga parang ang init ng ulo mo" I said sweetly while smelling her shoulder.
Lumambot bigla ang mukha niya at hinampas ang kamay kong nakayakap sa bandang tiyan niya.
Binaba niya na ang tawag.
"Ang hilig mo mang gulat talaga" reklamo niya agad.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko
Sa kanya at sumiksik ako sa batok niya.Medyo inaantok pa talaga ako at ang gusto ko sana ay matulog pang katabi siya pero nagulat akong wala na siya sa tabi ko.
"Baby gutom kana ba? It's still early in the morning pero nagsusungit kana" inaantok kong turan.
"Well yeah pinagod mo kaya ako kagabi sinong hinde magugutom" reklamo niya na naman kaya natawa ako at napabitaw.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak.
"Halika na at kakainin na kita.. I mean kakain na tayo" natatawa kong biro.
Hinampas niya ang braso ko kaya mas lalo lang akong natawa.
"Ang aga pa pero yang bibig mo bong!" saway niya habang tinitignan ako ng masama.
Naningkit lang lalo ang mata ko sa tuwa sa kanya.
She's becoming more and more beautiful each day.
Lalo pa at gigising ako sa umaga na siya ang nakikita ko,
How I wish to wake up everyday with her.
Yumakap ako sa waist niya at hinalikan siya sa balikat habang naglalakad kami papunta sa villa.
"Biro lang, I love you" paglalambing ko.
Inismiran niya lang ako.
Ang sungit talaga,
ang hirap pala nito pag nagutom triple ang kasungitan.
Pero mahal ko parin siya kahit ganyan siya.
Pagkatapos naming kumain sa villa ay bumyahe nadin kami pabalik ng manila dahil may trabaho pa kaming kailangang gawin.
Umuwi nalang kami sa bahay ko at doon nalang kami naligo.
Kung pwede lang na dito nalang din siya tumira para makasama kona siya at makita pag gising ko at makasama hanggang sa pagtulog pero masyado naman nang clingy yun.
Buti nalang may baon naman siyang mga damit kaya sabay nadin kaming pumasok.
Wala namang maghihinala sa amin dahil lagi naman kaming magkasama pumasok.
Napag usapan namin na hinde na ipagsabi ang kung ano man ang meron sa aming dalawa dahil yun ang gusto niya.
Kung ako ang papipiliin gusto ko nang ipagmalaki at sabihin sa lahat na akin na siya at wala nang pwedeng pomorma kaso ayaw niya.
Siya ang batas kaya siya ang masusunod.
Ayaw niya daw kasi na mag paliwanag sa kung sino at hassle daw.
She didn't even want my father to know our relationship cuz she want to keep it for now.
Hinde na ako nagreklamo cuz I understand that she's not yet ready.
She even impose a rule na hinde ko siya pwede landiin sa oras ng trabaho.
Gustuhin ko mang magreklamo pero hinde kona ginawa dahil siya ang batas talaga kaya wala na akong magagawa.
Magagawan ko naman ng paraan yan, ako paba.
During lunch time at break doon ko siya kinukulit at nilalandi para labas naman sa oras ng trabaho namin.
Ang galing ko diba, proud talaga ako sa sarili ko.
Binago niya talaga ako totally dahil ang mga bagay na hinde ko ginagawa noon ay ginagawa ko ngayon.
--
It's been a month simula nung naging kami ni sara, at so far ay maayos pa sa alright ang relasyon namin.
Hinde na nawala ang selosan dahil selosa talaga siya.
Hinde ko rin naman itatanggi na mas seloso naman ako kaya kwits lang kami.
May mga pagkakataon na nagkikita kami ni liza at ganon din sila ni sandro dahil sa same lang ng circle of friends kaya hinde naiiwasan.
Hinde tumitigil si sandro sa pag porma kay sara na madalas kong ika inis dahil hinde naman umiiwas si sara.
Wala namang malisya kay sara ang mga ginagawa ni sandro pero kay sandro lahat may malisya.
Hinde ko magawang magreklamo madalas dahil wala namang nakakaalam ng totoong relasyon namin ni sara.
At yun ang ikinaiinis ko dahil hinde ko siya mabakuran ng maayos.
But sara never failed to assure me that sandro is just a friend at pinakikisamahan niya lang.
Samantalang si liza naman ay lapit din ng lapit sakin at hinde ko siya magawang itaboy dahil nga sa mabait talaga siya at kaibigan ko din.
Kaya ayun siya ang madalas na rason na bigla nalang akong dadaragin ni sara.
So far I don't find any threat in my life in this past month and it's a good news dahil naka focus lang si sara as my boss.. I mean secretary.
Nalilito nadin ako dahil siya naman talaga ang boss ko at wala tayong reklamo diyan.
Hinde nga na nganganib ang buhay ko sa nagtatangkang pumatay sakin pero madalas naman manganib ang buhay ko kay sara.
Isang beses nung bumalik si minerva galing LA ay dumeretso sa opisina ko at nilandi ako.
Bigla ba naman akong yakapin pagpasok niya sa opisina ko at muntik akong halikan.
Nagulat ako nung biglang nawala si minerva sa harap ko.
The next thing I know ay nasa harap kona si sara at hawak niya sa kamay si minerva at seryusong seryoso ang mukha.
Sara's words stunned me big time.
"Don't you dare touch my man" madiin niyang banta kay minerva habang hawak niya ng mahigpit ang kamay nito.
Gusto kong mangiti that time dahil sa pagiging territorial ng girlfriend ko pero pinigilan ko.
Mukhang natakot ata si minerva nun at nagmadaling umalis.
Hinde na niya ako ginulo ulit pagkatapos ng araw na yun.
Sino ba naman ang hinde matatakot kay sara, ako nga takot diyan eh.
Pero sa akin lang siya lumalambot.
If they only knew how adorable she is if it's only me and her.
She's truly my baby.
A/n : Sorry mga labs now lang naka update nadedepress ako kakatambay sa tiktok, hinde na muna ako tatambay talaga dun mapanakit 😭
YOU ARE READING
ALL OF YOU
RomanceTwo person bound by their unsettled past and found each other in a most indefinite circumstances. BBM and Sara fictional story ❤️💚