**Stop acting like you're jealous**
Napabitaw ako kaagad kay sara nung marealize ko ang naitawag ko sa kanya sabay talikod.
Namumula ang mukha ko at hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya para maisalba ang sarili ko sa kahihiyan.
Ang sabi ko didistansya ako pero pati dila ko hinde nakikisama sa akin.
"I'm sorry, I think we should go out from here" pag iiba ko nalang sa usapan at nauna nang maglakad sa kanya.
Nung maramdaman kong hinde siya nakasunod ay nilingon ko parin siya.
Kausap niya ang kasama naming engineer at architect.
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa hinde ko man lang sila naisip kamustahin.
Nung makalabas na kaming lahat ay saka ko lang sila nagawang tanongin kung ayos lang sila.
Maya maya ay may isang trabahador na humahangos papunta sa gawi namin.
Nagsorry lang siya at nagpaliwanag na nahulog ang isang hallowblocks mula sa taas dahil sa nabitawan ng isang trabahador.
Mabuti nalang at walang napahamak sa aming lahat kaya inintindi nalang namin.
Hinde na kami ulit nagkibuan ni sara pagkatapos ng nangyari nayun hanggang sa umuwi.
--
Lumipas ang ilang araw na hinde kami nagkita dahil sa magkaiba ang naging focus naming pareho at magkaiba din ang opisina naming dalawa.
Nakahinga naman ako kahit papaano ng ilang araw dahil sa hinde ko siya nakita at naging normal ang sistema ko.
Kahit na may mga araw na parang nakakaramdam ako ng pangungulila sa presensya niya ay pinipilit ko nalang na iwaksi yun sa isip ko.
Ilang araw akong bumawi kay liza dahil sa nagiguilty ako sa kanya kahit na parang pinipilit kolang ang sarili ko.
Alam kong nararamdaman niya na parang may nag iba but I'm doing everything I could just to make her feel special.
Hanggang ngayon ay hinde kopa nasasabi sa kanya ang tungkol sa partnership namin ni sara.
Natatakot ako sa magiging reaksyon niya pati nadin sa mararamdaman niya.
Alam ko naman na mali itong ginagawa kong paglilihim sa kanya at kahit hinde ko aminin ay bukod sa takot ko sa kung ano man ang nararamdaman niya ay ayaw kong magkaroon siya ng dahilan na pigilan akong makita si sara.
Kahit na itanggi ko, deep inside ay ayaw ko din na hinde na makita si sara.
Not now that I saw her again, I just cant.
Ngayon palang nga na ilang araw kona siyang hinde nakikita ay nakakaramdam na ko ng pangungulila.
Pano nalang kung hinde kona siya ulit makita.
Kasalukuyan akong nag soscroll ng mga photo ng site na connected sa laptop ko na sinend sakin ng mga tauhan namin doon nung biglang mapunta sa photo ni sara na palihim kong kinunan.
Biglang hinde na naman naging normal ang puso ko.
Matagal kong tinitigan ang picture niya at hinde ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan yun.
Ang ganda niya talaga at hinde talaga nagbago sa paglipas ng panahon.
Bigla kong naisara ang laptop sa gulat ko na parang merong tinatago nung biglang pumasok si sheila sa opisina ko.
Bigla nalang talaga sumusulpot tong si sheila ng wala sa timing eh.
"Sorry sir, kanina pa po kasi ako kumakatok at hinde ka sumasagot kaya pumasok na ako" hinging paumanhin niya.
YOU ARE READING
ALL OF YOU
RomanceTwo person bound by their unsettled past and found each other in a most indefinite circumstances. BBM and Sara fictional story ❤️💚