** Possessive Mode **
Kasalukuyan nang nagsasaya ang mga kasamahan namin sa isla habang inaayos ng mga staff ko ang mga pagkain sa malaking cottage na pinaayos ko para sa okasyon ngayong araw.
Masaya nang naliligo sila yedah at martin sa dagat pati na ang iba sa mga kaibigan at pamilya na kasama namin dito sa isla.
Si liza naman ay nasa tabi ko lang habang masaya nakikipag kwentuhan sa isa sa mga kaibigan nila na kasama namin dito.
Ako naman ay nakikisali din paminsan minsan kapag natatanong lang.
Kanina pa humahaba ang leeg ko kakatanaw kung padating naba si sara dahil hinde ko siya kasamang pumunta sa isla dahil may biglaan siyang kailangan daanan at ayusin.
Yun ang sabi niya kaninang umaga nung dapat ay papunta na kami dito sa isla.
Hinde na ako mapakali at kinakabahan na ako dahil nga sa hinde umaalis si liza sa tabi ko at hinde ko naman siya magawang itaboy dahil nahihiya ako na baka mapahiya siya sa mga kaibigan niya.
Nagulat ako nung bigla akong hawakan ni liza sa kamay at hinatak papunta sa kinaroroonan nila martin.
Nakakapit siya sa braso ko at nalibang ako sa mukha ni martin na para nang maiiyak dahil sa pinagtripan nila yedah at simon.
hinde ko napansin na papalapit na pala ang bangka kung saan nakasakay si sara.
Huli na nung mapansin ko ang papalapit na bangka at para akong tinakasan ng hininga at bigla akong napabitaw sa kapit ni liza nung makita ko ang nakasimangot na mukha ni sara sa di kalayuan.
Photo reference above
Credits to the owner of the photo 😊
Umiwas siya ng tingin nung nakita na niyang napatingin ako sa gawi niya.
Ang ganda ganda niya at ang cool at the same time kaya mas lalo akong nainis dahil ang daming nakatingin sa kanya.
Hinde man siya nakasuot ng ganon ka sexy pero nakakakuha siya ng atensyon kahit hinde siya mag effort.
Tumakbo na agad ako palapit sa bangkang sinasakyan niya para alalayan sana siyang bumaba pero hinde niya tinanggap ang kamay kong nakalahad sa kanya at inismiran lang ako.
"Mamaya ka sa akin" aniya at nilagpasan lang ako.
Napalunok naman ako at napakamot sa ulo ko.
YOU ARE READING
ALL OF YOU
RomanceTwo person bound by their unsettled past and found each other in a most indefinite circumstances. BBM and Sara fictional story ❤️💚