🌷 29 🌷

834 65 47
                                    

** Promise **

Nakabalik na kami galing sa palawan at simula na naman ng trabaho.

We are currently in an exclusive restaurant for my meeting with one of my investor.

Nasa katabing table ko si sara at tahimik na ginagawa ang trabaho niya taking down notes.

Maya maya ay naramdaman kong napatingin siya sa kung saan at biglang naging balisa.

She's now uneasy at hinde mapakali sa inuupuan niya kaya hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa.

I looked at her like asking her if she's ok.

She nodded in response at payat na ngumiti.

She excused herself and said that she had to go to the cr.

After a while ay hinde parin siya nakakabalik hanggang sa natapos ang meeting namin ng investor ko.

Pagkatapos kong magpaalam sa ka meeting ko ay pinuntahan ko si sara sa cr para sana tignan kung andoon paba siya pero nakita ko siya sa bandang labas kung saan wala masyadong tao at may kausap na lalaki.

Kumunot ang noo ko at nagtaka kung sino ang kausap niya.

Base sa itsura nilang dalawa ay seryuso ang pinag uusapan nila at halatang hinde natutuwa si sara sa taong kausap niya.

Sinubukan siyang lapitan nito at akmang hahawakan siya nito na hinde ko ikinatuwa pero tinapik ni sara ang kamay nito at tinignan ng masama.

Hinde naman sila nagsisigawan at mukhang kalmado lang silang nag uusap.

Nakita ko ang ang pag arko ng kilay ni sara at halatang galit.

Gusto kona sanang lapitan sila dahil hinde maganda ang pakiramdam ko sa lalaking kausap ni sara.

Merong palagay sa loob ko na may malaking koneksyon ang lalaki kay sara at natatakot akong alamin kung ano yun.

Hinde ako sigurado sa nararamdaman kong kakaibang kaba sa loob ko habang tinitignan silang nag uusap.

Gusto kong lumapit pero parang nakapako ang paa ko sa kinakatayuan ko at hinde ko alam kung ano itong parang pumipigil sa akin.

Nakikita kolang sila sa pwesto ko pero hinde ko sila naririnig.

Napakadaming tumatakbo sa isip ko at alam kong si sara lang ang makakasagot.

Pero natatakot akong tanongin siya.

Alam ko naman na nung minahal ko si sara ay tinanggap kona ang lahat sa kanya kahit na alam kong napakadami kopang hinde alam tungkol sa kanya.

Ang mahalaga lang naman sa akin ay mahal ko siya at hinde na mahalaga kung ano man ang meron sa kanya.

Merong huling sinabi ang lalaki kay sara at seryuso ang mukha nito bago siya nito tinalikuran at sumakay sa sasakyan nito.

Alam kong babalik na si sara kung saan niya ako iniwan kaya mabilis akong naglakad pabalik at nagkunwaring inaantay siya.

Hinde ko magawang mag isip ng maayos at magkunwaring ayos lang ako.

Nakaramdam ako ng pagkabalisa at hinde ko maiwasang makaramdam ng kakaibang lungkot.

Ngumiti siya pagkakita niya sa akin na nakaupo sa table kung saan niya ako iniwan.

Ngumiti ako at pinilit ang sarili kong pasiglahin.

"Oh naka alis na pala si mr.chua? I'm sorry natagalan akong nakabalik may nakita akong kaibigan at napasarap ang usapan namin" aniya nung nakalapit na siya sa akin.

ALL OF YOUWhere stories live. Discover now