🌷 44 🌷

942 66 50
                                    

** Bedroom voice **

Bongbong's POV :

Nakatayo parin kami ni sara sa terrace kung saan nagawa na naming makapag usap sa wakas.

I couldn't imagine the sacrifice she did just to fix everything on her own.

Inamin niya sa akin na ongoing parin pala ang divorce niya dun sa taong naka arranged marriage niya at kaya daw natatagalan ay dahil sa nagmamatigas ang taong yun.

Gusto ko nang magwala nung malaman ko yun sa kanya pero naalala ko na commited din pala ako kay liza and I'm doing a biggest mistake on her right now.

Sara and I were both bind on someone else but here we are standing in this terrace having the time of our life that we both missed for the past three years of being separated.

I'm on her back doing my usual favorite thing.

Nakayakap ako sa waist niya from the back habang nakapatong ang chin ko sa balikat niya at nakatanaw kami sa garden sa baba at pinapanood ang nagsisialisan na mga tao.

Hinde kami nakikita dito sa pwesto namin dahil medyo madilim.

"When will I meet perry love? I'm so excited to see him" tanong ko habang nakayakap parin sa likod niya at hinahalikan ang balikat niya.

Hinagod niya ang kamay ko sa bandang tiyan niya.

"Soon love, we'll make time for it, ayoko madamay ang anak natin sa gulo natin pareho" aniya at dahan dahang humarap sa akin.

Kinapit ko ang dalawang kamay ko sa railings habang nasa gitna siya ng dalawang braso ko.

Inayos niya ang kwelyo ko habang malungkot na ngumiti.

"I've been dying to see our son baby, at hinde ko maiwasang malungkot dahil sa sitwasyon natin ngayon" ang sabi ko sa kanya.

"How bout liza? What will you do to her?" tanong niya habang nakasandal sa railings at nakakapit sa braso ko.

Dahil sa naging tanong niya ay naalala ko si liza.

Hinde ko maiwasang malungkot at ma guilty para sa kanya.

Inaamin ko na nung panahong lugmok na lugmok ako ay si liza ang naging sandalan ko.

At malaking utang na loob ko sa kanya na hinde niya ako iniwan sa mga panahong kailangan ko siya.

Pero hinde kona kayang pilitin ang sarili ko dahil si sara naman talaga ang mahal ko at hinde nagbago yun sa kabila ng lahat ng nangyari.

Minahal ko din naman si liza, na umabot pa ako sa punto na ginusto ko siyang pakasalan.

Kasi pakiramdam ko stable na ako sa kanya kaya akala ko sapat nayun para isipin kong pagmamahal yun pero hinde kasing lalim ng pagmamahal ko para kay sara.

Kahit sa mga panahong kasama ko si liza ay hinde ko naramdaman ang ganito ka kumpleto kagaya ng kapag kasama ko si sara na parang buong buo ako.

Hinde ako nakapagsalita at nanatiling tahimik lang.

"Mahal mo ba siya?" biglang tanong niya na ikinabigla ko.

Nakikita ko ang sakit sa mata niya at takot sa magiging sagot ko.

Dahan dahan kong hinawakan ang dalawang kamay niya saka siya malungkot na nginitian.

"Ang totoo? Minahal ko siya in a way na akala ko sapat na yun para pakasalan ko siya, kasi siya yung nandoon nung mga panahong kailangan ko ng taong iintindi sa nararamdaman ko, akala ko pwede kong ibaling sa kanya ang pagmamahal ko kahit na all along ikaw ang hinahanap ng buong sistema ko" pagtatapat ko sa kanya.

ALL OF YOUWhere stories live. Discover now