** Pre honeymoon? **
After ng wedding ceremony ay dumeretso na kami sa reception na pinasadya mismo ni bong and made it quite lavish.
Halatang pinaghandaan at hinde halatang minadali.
Napakaganda ng lugar, hinde maitatangging napakacostly.
I don't know how he did all of this in a short period of time and made it all possible.
Nadala niya pa ang mga magulang ko dito at ang mga kaibigan kong sila bruce ay nagawa niyang kuntsabahin para lang surpresahin ako ng ganto.
Kailan pa sila naging ganito ka close para magawa nila akong pagkaisahan.
Kausap namin ngayon ni bong ang mga magulang ko at hinde ako makapaniwala na magkakasundo sila.
"Bong, ingatan mo itong anak ko sinasabi ko sayo mata molang ang walang latay lintek ka pag sinaktan mo ito" banta pa ni papa kay bong at natawa naman ako sa reaksyon ni bong na napakamot pa sa ulo niya.
"Opo sir, wag po kayong mag alala" ani bong at hinapit ako sa bewang.
"Hinde kapa namin ganon kakilala bong pero ipinagkatiwala namin sa iyo ang anak namin dahil naniniwala kaming aalagaan mo sila ng apo ko na anak mo pala" napapailing pa si mama na parang hinde makapaniwala na lumaki nalang si perry ng ganito at ngayon lang nila nakilala ang tatay.
"Matinik nga naka home run agad sa anak mo" biglang sabat na naman ni papa.
Hinatak ko nalang si bong palapit lalo sa akin para hinde na siya gisahin lalo ni papa.
Maya maya ay lumapit na ang daddy ni bong kasama ang pinsang niyang si ate imee na tinuring na niyang kapatid.
Magkakilala na kami ni ate imee dahil pinakilala na ako ni bong noon sa kanya.
"Rody balae, it's been a long time" bungad agad ng daddy ni bong pagkalapit.
Sa paraan ng pagngiti nila ay halatang matagal na silang magkakilala.
"Fernan, akalain mo nga namang aabot pa tayo sa ganito" sabat naman ng papa ko at nagkamay sila ng nakangiti.
Dumeretso naman sa akin si ate at bumeso ganon din kay bong.
Pagkatapos ay bumaling naman siya sa gawi nila papa.
Nakita kopa kung paano kuminang ang mata ni papa habang nakatingin kay ate imee.
At ang ngiti nito ni papa, jusko hinde ako pwede magkamali.
Nag handshake sila at konti nalang matatawa na ako dahil parang ayaw niyang bitawan ang kamay ni ate imee.
Si ate imee naman ay napatitig din kay papa at biglang napaiwas ng tingin at mabilis inagaw ang kamay.
This is interesting.
Wala namang problema kay mama dahil matagal naman na silang hiwalay ni papa.
They're good on their civil relationship.
YOU ARE READING
ALL OF YOU
RomansaTwo person bound by their unsettled past and found each other in a most indefinite circumstances. BBM and Sara fictional story ❤️💚