C h a p t e r 1

457 16 8
                                        

Chapter 1

Kailan ba matatapos ang paghihirap kong ito? Huhu kanina pa ako naglalaba walang katapusan, ni hindi ko pa nga nakalahati itong labahin kong 'to. Kasalanan 'to nang unggoy na iyon e, tapos ngayon nasa labas siya nakikipaglaro ng basketball?  Nanggigil ako sa kuya kong iyon imbis na tulungan akong maglaba rito mas inuna niya pang makipaglaro. Ang tanda na e!

May narinig akong pagkapunit ng damit kaya nanlaki ang mata kong tinignan 'to. Ang damit na pangsimba ni mama wasak ang bandang kilikili, napatampal ako sa noo ko. Paborito niya pa itong damit huhu ano ng gagawin ko riyan?

Kasalanan 'to ng unggoy na iyon talaga e. Narinig ang pagtunog ng doorbell ng gate namin, oo may doorbell kami pinasadya talaga iyan ni mama e, oh diba sosyal. Bakit mayaman lang ba ang pwedeng magkaroon ng doorbell?

Tumayo ako at binanlawan ang kamay ko bago naglakad, sino naman kaya ito? Pagbukas ko ng gate tumambad sa akin ang isang lalaking nakehelmet at may bitbit na malaking box.

"Ano po iyon kuya?" nagtatakang tanong ko, may nakasulat sa side ng box na VJ express, teka parang pamilyar to sa akin e.

"Dito po ba nakatira si Sir Terrence Zamires?" tanong niya

"Oo dito nga po, kapatid ko po siya, bakit po?" tumango ito bago may binuklat ang papel at ibinigay sa akin

"Paki permehan na lang po Ma'am" tinignan ko ang itinuro niya, pinermahan ko ito at ibinalik din sa kanya kaagad.

"1040 pesos po lahat Ma'am" mahinahong sabi niya, pero napantig ang tenga ko sa narinig.

"Ano!?" napaatras pa si kuya dahil sa biglaang pagsigaw ko, itong box na hawak ko ngayon ay nagkakahalaga ng isang libo? "Pasensiya po kuya" sabi ko at humingi ng paumanhin, tumango lang ito. Nanginginig kong kinuha ang dalawang libo sa bulsa ko, nag-aalangan ko pa itong ibigay kay kuya dahil ipon ko ito pambili ko sana ng tablet ko tapos mapupunta lang ito sa box na 'to?

"Sure po ba kayong Terrence ang pangalan ng nagorder?" napakamot ito at kinuha ang cellphone niya tapos ipinakita sa akin ang receiver ng box na ito, legit nga! Nakalagay do'n ang pangalan ng kuya ko.

"Ma'am ibibigay niyo po ba o hindi?" iritableng sabi ni kuya, teka lang naman huhu

"Nagmamadali po ako Ma'am marami pa po akong pupuntahan" napakamot si kuya sa kanyang batok at iritable akong tinignan

"Iyan na oh kuya, masaya ka na?" mangiyak ngiyak kong sabi, ibinigay niya ang barya sa akin bago nagpaalam na at umalis.

Tatlong linggo kong pinag-ipunan iyon, ni hindi nga ako kumain sa cafeteria namin sa school, nagtiis ako pero napunta lang lahat dito sa box na 'to! Ang liit na nga nang baon ko na ibinibigay ni mama.

Ikinuyom ko ang dalawang kamay ko at padabog na isinara ang gate. Kinuha ko ang gunting at binuksan ang box. Lahat puro kagamitan ng babae, may lipstick, pulbo, foundation di ko na alam ang ibang accessories na nakalagay doon. Para na naman to sa girlfriend niya. Nagtatampo na rin ako kay kuya minsa kasi nga mas marami ang time niya sa girlfriend niya kaysa sa amin sa'kin

Minsan late siya umuwi sa gabi at nagpapalipas din ng gutom sa umaga para masamahan niya ang girlfriend niya. Unti unti bumuhos lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang sakit lang sa dibdib. Ganito ako lagi e, kahit konting bagay iniiyakan ko.

Si mama at papa walang sinasabi kay kuya at sa mga kakaibang kilos nito,  sinabi ko kina mama at papa sa at ipinaliwanag ang mga ginagawa ni kuya pero ang sabi lang nila hindi mo naiintindihan, ganon ang pagmamahal anak. Isa pa any punto ko lang naman pinapabayan na ni kuya ang sarili nito. Wala akong galit kay kuya o sa girlfriend niya, nirerespeto ko ang desisyon niya pero minsan hindi ko rin maiwasang mainis at magtampo lalo na ang magalit.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon