C h a p t e r 3

108 10 0
                                    

Chapter 3

Napagpasyahan kong maagang magising ngayon kahit anlamig ng tubig naligo talaga ako. Tinignan ko ang relos ko, maya maya magigising na si kuya kaya kailangan ko nang umalis. Pagbukas ko ng pintuan nabigla ako nang tumambad sa akin ang gusto kong iwasan, si Kuya. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako rito. Kasasabi ko lang e

"Alam mo nanggugulat ka, sana kumatok ka naman" maktol ko at nilampasan lamang siya at nauna na akong bumaba sa hagdan "mauuna na pala ako kuya, may gagawin pa kasi ako sa school" sabi ko at magsisimula ma sanang maglakad palabas ng pinto ng magsalita ito.

"Sandali, ihahatid na kita"

"Hindi na maglalakad na lang ako, alam mo na excercise rin" ^_^ sabi ko at pekeng ngumiti, sana huwag naman sanang mahalata.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, I know nagtatampo ka pa rin sa akin ngayon kaya maaga kitang inabangan, like you did before but please let me take this opportunity para bumawi sa'yo" sincere na sabi niya, tumango lang ako at nagsimula maglakad pababa ng hagdan ng walang imik.

"Wait for me here, I'll just take my key"

"So lets go?" tumango lang ako.

Naglakad na ako palabas at hinintay siyang ilabas sa garadge ang sasakyan "Hop in"

Habang nasa sasakyan hindi ko alam kong paano na ako makitungo kay kuya, di ko alam naiilang na rin ako hindi na kasi gaya ng dati na nag-aasaran kami. "So kamusta studies mo?"

"Jay told me na napunta ka raw sa detention room? Care to tell me what happen?" bigla ko na naman naisip ang bruhildang iyon, nang dahil sa kanya kaya ako napunta sa detention room, pasalamat iyon 'di natuloy ang quiz namin hay nako kong hindi magkakaroon ng world war 3 na ang classroom.

"Ganito kasi iyan kuya alam mo iyong palagi kong storya sa iyo noon, iyong classmate kong si floraine siya ang may kasalanan kong bakit ako napunta sa detention room" diretsong sabi ko, pati aako nawalan tuloy ng hangin, pero hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa babaeng iyon. Grrr

Narinig kong tumawa si kuya kaya natahimik ako bigla kong maalala nagtatampo nga pala ako sa kanya.

"Saan mo gustong pumunta? Maaga pa naman" tinignan ko ang relos ko, 4:59 palang, shems ang aga kong nagising ah kong ganon kanina, may apat na oras pa bago magstart ang klase namin, mag-uumaga pa lang (TT)

"Kuya is really sorry, I'm really sorry my little Azi, I know I was wrong, hindi kita naisip and I'm really sorry for that, hope you this conflict will end soon, ayokong may hindi tayo pagkakaintindihang dalawa" matamlay niya sabi, ako naman itong walang imik at tahimik lang.

"I have a gift for you pero hindi pa dumadating, I think the delivery was cancelled? Hmm"

Ano naman kaya iyon?

"I order it online pero di pa dumadating, dapat sa nakaraang araw pa iyon nadeliver " ah maalala ko may nakamotor na lalaki noong isang araw, lumaki ang mga mata ko. Paano kong ang lalaking iyon ang tinutukoy ni Kuya?

"OMG!!!" sigaw ko biglang namang napapreno si kuya, tumingin sa akin ng nagtataka.

"What happened?" nagaalalang tanong niya "Ah e wala"

"I know thats face, care to tell me"

"Kuya iyong order mo dumating na, noong isang araw pa hehe" sabi ko at napakamot ng ulo

"That's good then" ipinagpatuloy nito ang pagdadrive "Pero kasi err--" (TT) jusqo paano ko ba 'to ipapaliwanag.

"Pero?" tanong niya,

"Kuya di ko naman alam na sa akin pala iyon, ibinigay na ni mama sa girlfriend mo" seryosong sabi ko

"What? Why?" kunot noong tanong niya at naguguluhang tumingin sa akin.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon