Chapter 23
Nandito na kami sa Gym ni josefa at ang ibang mga cheersquad ng iba't ibang Universities din. Pero huwag kayo agaw atensyon ang costume namin kasi nga kami lang ang grupong nakasuot ng kulay pink lahat Hahaha.
Grabe sobrang ingay ng paligid, lalo na ang mga studyanteng isinisigaw ang mga pambato nila. Limang mga bus kanina ang dumating dito, at juicoke mga mamahalin din ang peg ng mga varsity's sa ibang University.
Tumingin ako sa gilid ko ng makita ko roon su floraine na nakatingin sa akin, nagtama ang paningin namin, inirapan niya lang ako. Tss maldita talaga, ano bang ginagawa ng babaitang iyan dito?
"Please Welcome the West Bern University! JLY University and Nemru University!" bigla na namang nagsigawan ang mga tao at pati ako nakikisigaw na rin kahit wala akong pambato sa kanilang lahat. Iyong west Universe ay jersey na kulay green and sa JlY naman ay dark blue, sa Nemru naman ay Dark violet ang kulay.
Sila muna ang maglalaban laban sa first at kong sino ang mananalo sa tatlong university na ito ay kalalabanin din ang mananalo sa tatlong maglalaban mamaya.
Nagsimula na ang game, ito nakaupo lang kami dahil matagal pa naman ang University namin kaya para akong isang matandang nawalan ng pera dahil nakasandal ang baba ko sa kamay ko.
Ang naglaban muna ay ang West bern University at JLY, sa unang round, tie ang laban pero sa second round ay lumamang ng 5 point ang JLY at sa huli ay nanalo ang JLY sa game, sa third round naman ay may dalawang lamang ang Wes bern University sa JlY, Akala ko tie ang game pero nanalo pala ang JLY sa third round dahil nakayanan nilang bumawi at lamang sila sa apat na puntos ng game.
Kita ko ang ibang player sa mukha nila ang pagkadismaya pero ganyan talaga ang buhay hindi laging panalo ang laban kundi kailangan mo rin na matalo para mas matuto.
Nagbreak muna ang JLY dahil ang susunod nilang kakalabanin ay ang Nemru University, nagpalit rin ng players ang JLY para sa iba muna na makapagpahinga sa naganap na laban kanina para makabawi ng lakas.
Nauna nang pumasok sa court ang players ng nemru university samantala ang ibang players naman ng JLY University ay may 10 minutes pang pahinga.
Nagstart na ang laban, nakalipas na ang 15 minutes ay lamang pa rin ang JLY sa laro, ang score ng Nemru ay 15 points habang ang JLY naman ay 25 points, all in all mas lamang pa rin ang ang JLY within the past minutes.
May nag-abot sa akin ng bottle of water kaya dali ko itong kinuha at uminom, grabe ngayon ko lang naramdaman ang uhaw ko, di ko kasi namalayan kanina dahil tutok na tutok ako sa laban.
Tapos na ang game at sa huli ay nanalo pa rin ang JLY sa laban. Ang susunod naman na maglalaban ay ang Helix South University, KVH University at ang aming University, Wells State University. Ang kong sino ang mananalo sa tatlo ay kakaharapin niya ang JLY University.
Ang una munang magkakaharap ay ang Helix and KVH University sa laban, mahuhuli ang University namin.
Nakita kong pumasok sa Gym ang lahat ng maglalaban laban sa laro, nakita ko si Klayon at ang kasamahan niya na naglalakad palapit sa amin, ang ganda ng kulay ng jersey nila. Lahat ay black, ngayon ay labas ang kaputian nito. Talo pa ako e no!
Biglang nagsitilian ang mga studyante sa gym at ang boses nila abot na sa ngala-ngala, tignan lang natin kinabukasan kong may boses pa ang mga ito.
Ang helix University naman ay Yellow ang kulay ng jersey nila tapos naman ang KVH ay puti naman, grabe ang tatangkad ng mga ito.
Nakita ko rin si Zynon na seryosong naglalakad, di ako inform sasali pala ang ungas na ito.
Bali nasa second na hagdan kaming mga cheersquad tapos sa pinakaunang hagdan naman ang grupo nila Klayon.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomantizmBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...