Chapter 19
Azra P.O.V
Dalawang araw pagkalipas ng birthday ni kuya at ang surprise proposal niya kay ate glen. Masaya ako para sa kanila, ayoko ng isipin pa ang mga nangyari noon, kong saan masaya si kuya roon din ako masaya.
Nag-usap na kami matapos kong umuwi sa bahay galing sa bahay ni klayon, akalain niyo iyon, may sariling bahay pala si Klayon at nakakagulat lang kasi di ko akalain na makakapagpatayo siya ng ganoong kalaki. Sabi niya matagal niya raw iyon pinag-ipunan iyon no'n. Working student daw siya dati at ang ama niya ang nagbibigay ng sweldo niya dahil sa may company branch din sila sa italy.
Di nga ako makapaniwala dahil hanggang ngayon ay nakasandal pa rin ako kila mama at papa, pati na rin si Kuya. Back to the topic, medyo nagtampo lang ako kay kuya dahil hindi ko alam na magpopropose pala ito pero alam na nila mama at papa, pati na rin ang family ni klayon maliban lang kay ate glen sympre. Pero ng sinabi ko iyon kinutusan niya lang ako, rason niya na ayaw niyang sabihin sa akin dahil baka raw mag-overacting ako at iyak ng iyak.
Well inaamin ko na ganon ako minsan dahil ng kasal ni ate amy na sobrang close kong kaibigan, umiyak ako ng umiyak dahil masaya akong may asawa na siya, kaya nga noon muntik na nila akong hindi payagan na dumalo sa kasal, kaso pagkatapos ng kasal umalis na sila at nanirahan sa ibang bansa kasama ang foreigner niyang asawa.
Ganon ako ka-OA kaya nga asar na asar sa akin si josefa pero sa side ko naman iba ang naramdaman ko ng nagpropose si kuya, kasi sobrang biglaan lang hindi ko napigilang maging emosyonal rin at mainis sa kanya.
Pero past is past, move on na dis!
Pagbaba ko ng hagdan ay nagtaka ako dahil wala si klayon na nakaupo sa sofa, dati rati kasi maaga itong pumupunta dito pero ngayon nakakapagtaka dahil ngayon wala siya. Medyo nasanay lang kasi ako na nakikita siya rito tuwing umaga.
"Tanggalin mo naman iyang muta mo" sabi ni kuya at itinuro ito. Inirapan ko lang ito at inalis ang muta sa aking mata.
Sinimangutan ko ito at isinandal ang ulo ko sa lamesa. "I know why you have that face, tss Klayon called me earlier at sinabi niyang hindi ka niya masusundo because of some important matters so ako ang maghahatid sa'yo sa university" tumango ako.
Naramdaman bumaba ang kutson ng sofa dahil naupo rito si Kuya "Klayon wants you to officially meets her parents, so he also told me na ihatid ka mamaya matapos ang klase mo sa bahay nila"
"Ganon ba, pero may sinabi ba siyang papasok siya ngayon?" nagbabasakali tanong ko.
"Maybe?"
"Kuya, may gusto sana akong sabihin saiyo" sabi ko at tumingin sa kanya.
"Sure what is it?" shemay kinakabahan ako, gusto kong sabihin sa kanya na kami na ni Klayon dahil gusto kong siya ang maunang makaalam. Para kahit papaano ay panatag akong may membro sa pamilya namin na alam ang relationship namin ni klayon.
"Kaminaniklayonkuya!" mabilis na pagkakasabi ko, nakita ko ang pagkunot ng noo niya at kinutusan ako.
"Say it again, ang bilis mong magsalita!"
"Sinabi ko na e, mabagal ka lang talagang makapick-up" sabi ko.
Hindi mapinta ang reaksyon sa mukha niya kaya natawa ako. "Say it again, this time mabagal naman"
"Hindi ka magagalit?"
"Bakit naman ako magagalit?" tanong niya pabalik.
"Hehe, aba malay ko"
"As long as it is not bad, I won't get mad" huwag na lang kaya? Juicecoke parang ayaw ituloy.
"Azra?''
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...