Chapter 45
"Will you please all shut up, you're making noise" rinig kong boses ni Klayon ang nagsalita, para na itong galit at rindi.
"Now, she's awake" iminulat ko ang mata ko at nag-aadjust pa muna dahil sa nakakasilaw na liwanag. Naramdaman kong may brasong nakapatong sa likod ko, nakatagilid kasi ako.
"Good evening may pookie bear" naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko pero ang ikinabigla ko mismo ay ang mga hiyaw sa paligid, doon ako napabagon at tinignan ang mga tao rito isa isa.
Nandito si josefa, zynon, si Kuya at ate Glen tapos nandito rin tito! I think I'm gonna faint! English 'yan?
"Ehem!" alam kong nagpaparinig ang baklang ito e, huhu! Ayaw ko na tuloy bumangon at matulog na lang na parang hindi ko sila nakita!
Mabuti wala sina mama at papa, kundi hindi ko na alam ang feslak na ihaharap ko. Nakita ko si Kuya na may ngiti sa labi, kinindatan pa ako. Hindi niya ba alam na pulang pula na ang labi ko ngayon sa kahihiyan? Mabilis akong unalis sa pagkakahiga at naupo sa upuan katabi ng kama ni Klayon.
Lumapit naman si tito kay Klayon at kinumusta ito, hindi ko na narinig ang mga pinag-uusapan nila dahil nakatuon ang atensyon ko sa prutas na binabalatan ko.
"Pakunwari ka pa ha!" aba! May pahampa pa!
"Ano?"
"Nakita namin lahat, nako. Huwag kang mahiya tayo lang naman lahat ng nandito" sabay hampas ulit sa balikat ko, aba'y nang-aabuso na ito ah! Hindi ko na lang siya pinansin baka maihambalos ko itong pinggan sa ulo niya, choss.
"Dumadalaga na ang bunso namin ah" ang hirap naman iwasan ng mga ito, ginulo ni kuya ang buhok ko at kinuha ang orange na binalatan ko. Teka! Akin iyan e!
"Kuya, huwag ka ng mang-asar" seryoso sa tono ng boses ko. "Okay okay" natatawang ani nito at umalis sa gilid ko.
Naalala ko, sabi ni mama hindi raw naghanda si Zynon sa birthday nito dahil sa nangyari sa amin ni Klayon. Naawa ako sa kanya, araw ng birthday nito at alam kong malungkot para sa kanya ang nangyari sa kuya niya.
Sinulyapan ko si Zynon, nasa malapit siya sa bintana at nakasuot ito ng head phone habang nakatutok sa cellphone niya. Tumayo ako at naglakad papalapit dito hawak ang isang orange na binalatan ko "Zynon" tawag ko sa kanya, mabilis niya naman ako nilingon "Para saiyo" sabi ko at ibinigay sa kanya ang strawberry, akala ko hindi niya ito kukuhanin dahil tinitigan niya lang ito pero kalaunan ay kinuha niya rin.
Muli itong tumingin sa bintana, kita sa labas ang malaking syudad at nagtataasan na mga building. "How are you Azra?" hindi ko inaasahan na tanong niya.
"Maayos naman ako, ikaw kumusta ka?" tanong ko.
"I'm sorry Azra for everything that I have cause you, kayo ni Kuya" malungkot na sabi nito at nakatanaw sa kalangitan. Maya maya ay nakita ko ang mga luhang nagsilabasan sa kanyang mata. Hinaplos ko ang likod nito "Maayos na ang lahat, Zynon. Isa pa hindi mo naman kasalanan. Walang may gustong mangyari ang lahat" sabi ko sa kanya at tinapik tapik ang balikat nito.
"Thank you so much Azra, by the way. Where's my gift?" inaasahan ko na ito, nginitian ko siya "Nasa bahay, bukas ko na lang ibibigay, akala ko nakalimutan mo"
"I don't easily forget what I mean to say, I'll expect that tomorrow. Now go back, my brother is now killing me with a menacing stares"
"Sus! Oh siya dito ka muna. Isa pa tawagin mo nga akong ate" sabi ko natawa lang ito at umiling. "I don't want to"
"If mind can kill, I'm am now lying on the floor breathless" makahulugang sabi niya. Tinignan ko naman si Klayon na ngayon ay masamang nakatingin sa amin.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...