C h a p t e r 17

32 3 0
                                    

Chapter 17

"Azra? Hey, wake up" rinig ko ang malumanay na sabi ni Klayon at marahan akong niyuyuyog. Anong ginagawa nito sa kwarto ko?

"Sleepy head"

Iminulat ko ang mga mata ko at tamad itong tinignan. "Bakit? Teka ang aga mo namang sumundo--" pinutol niya ang sasabihin ko.

"We're here already, you're dreaming pfft"

"Inaantok pa ako, five minutes okay?" sabi ko at tatalikod na sana ng pigilan niya ako. Nakita ko ang mapupungay niyang mga mata, napangiti ako. Ang gwapo!

"The Event is about to start"

"Anong event?" nagtatakang tanong ko pero bigla akong napasinghap ng walang pangamba niya akong buhatin at ilagay sa kamay niya.

Nang bigla kong maalala birthday pala ni kuya ngayon. "Hehe Klayon ibaba mo na ako"
sabi ko pero hindi ito nakinig sa akin bagkus ay tuloy tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa huminto kami at napatingin ako sa kanya.

"We're here"

Dahan dahan niya akong ibinaba at tumingin ako sa paligid. Nandito na kami sa hotel kong saan gaganapin ang birthday ni kuya, ang ganda!"

"Si Josefa?" tanong ko

"He's already inside" paliwanag nito, aba di manlang niya ako hinintay. Iba talaga ang badiday na iyon.

"Di manlang naghintay" bulong ko pero di ko akalain na maririnig iyon ni Klayon dahil napatingin sa gawi ko.

"Tss"

"Anong tss ka riyan--" hindi ko na naituloy dahil hinawakan niya ang kamay ko sabay pagbukas ng malaking pinto na nasa harapan namin at tumambad sa akin ang maraming tao na ngayon ay manghang nakatingin sa amin ni klayon. Enebe ba alam kong maganda ako.

Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahan na ganito karami ang mga tao na dadalo, di manlang ako na-inform.

"Look at me" napalunok ako at wala sa  huwisyo na tinignan si klayon "I love you" bulong niya, napangiti ako. At nang hindi inaasahan nawala lahat ang pangamba at kaba sa dibdib ko.

Nagsimula na kaming maglakad, infairness may red carpet pa. Iba talaga si Kuya, parang kasalan naman ang dating nito.

Nakita ko si Josefa na nakaupo sa at katabi si mama na ngayon ay kinikilig, tinignan ko lang siya ng humanda-ka-mamaya-look. Inirapan lang ako.

Parang hindi na si kuya ang birthday celebrant, lahat ng mata nakatingin sa akin parang kahit anong oras ay mahihimatay ako. Alam ko namang maganda ako pero bakit ganito na lang ang titig ng mga tao rito?

Pero bongga ha, itong venue ay ang eleganteng tignan, kumunot ang noo ko ng may mapansin ako. Hindi ganito ang pagkakaalam kong interior ng venue, andami kasing mga balloons sa paligid at mga designs na inilagay.

"Anak?"

"Ha?" tinignan ko si mama at maikli akong ngumiti, hindi ko alam huminto na pala kami.  Naupo ako sa tabi ni papa at isinandal ang ulo ko sa dalawang kamay ko. Bigla akong hindi naging komportable nang hindi ko malamang dahilan.

"Si klayon po" tanong ko kay papa.

"Ano bang nasa isip mo kanina at hindi mo narinig ang sinabi niya?" tanong ni papa, hindi ako nakaimik.

"Lumabas siya, Azra. Susunduin ang tita mo sa labas" tumango ako at hindi na muling nagsalita.

"Ang mama niya?"

"Aii hindi ang nanay mo, iyan kasi hindi ka nakikinig sa sinasabi ni klayon kanina, lutang lang te?" sabat ni josefa, tinignan ko siya ng masama. Anong lutang ang pinagsasabi nito? May iniisip lang ako kanina e, isa pa ba't di ko naman kaya narinig ang sinabi ni klayon, ganon ba ako kalalim nag-iisip kanina? 

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon