C h a p t e r 44

35 2 0
                                    

Chapter 44

Azra P.O.V

"Write" utos niya sa akin. At ano naman ang isusulat ko rito?

"Ano?" tanong ko sa kanya, nakatutok pa rin sa akin ang baril.

"I said write!" sabi niya at idiniin ang likod ko ang baril. "Tanga ka ba? Nakagapos ang kamay ko paano ako makakapagsulat? Huh?"
sabi ko. Then biglang bumukas ang pinto ang iniluwa nito ang isang babae na may kasamaang mga armadong lalaki may  mahaba itong buhok pero kita ko ang pagkakahawig nila ni Herilla.

"You're here?" tanong ni Herilla.

"We need to go ate, napapalibutan na tayo!" tarantang sabi ng babae na kakarating lang.

"What do you mean Hera?"

"That Klayon is here! You know what this plan was never been happened ate! Kailangan na natin umalis–" pinutol ni Herilla ang dapat na sasabihin ni hera.

"What what? Say it again? Nandito na tayo ngayon pa ba tayo susuko huh? I need to get Klayon! Hera! Naririnig mo ba iyang sinabi mo?!"

Narinig ko ang malakas ng pagsampal ni Hera sa pisngi ni Herilla "Wake up ate! That's only obsession, wala ka rin naman napala! We need to go!" after that I heard a gunshot. Omg binaril ni Herilla ang kapatid niya!

Rinig ko ang malakas ng daing ni hera. Tinutok naman ni herilla ang baril sa mga lalaking kasamahan ni hera "Don't worry I'll pay you all triple, than this witch was giving you"

"You're too weak! The hell Hera! Anong nangyari saiyo? We've come too far tapos ano mapupunta lang sa wala?"

"Ba't mo ginawa iyon? Kapatid mo siya!" sigaw ko. Bumaling ang atensyon niya sa akin. Bigla akong nanlambot ng itutok niya sa akin ang baril.

"Oww, I forgot. Ikaw na ang isusunod ko" sabi niya at nilalaro ang baril.

"Huwag mo siyang sasaktan Herilla!"

"Oh now who's talking" sarkastikong sabi niya at inirapan ito.

"Labas!" sigaw nito sa mga lalaki na kanina ay kasama ni hera. Ngayon kami na lang tatlo ang naiwan dito sa loob. "I've been dreaming into my entire life hera, para mapasaakin si Klayon. Ginawa ko na lahat tapos mababalitaan ko lang na may girlfriend na ito? Hindi pwede. After this, mapapasaiyo na rin si Zynon 'diba? We will live together with Klayon and build a happy family! Tapos magkakaroon kami ng anak, hindi ba masaya iyon–"

"–You're insane! Herilla" paos na sabi ni Hera.

"Maybe yes, Hera but I'm doing this to make me happy"

"Bakit herilla? Sa tingin mo magiging masaya kayo ni Klayon? Sa tingin mo rin ba papayag siya na makasama ang isang katulad mo? HAHAHA dream on!" sabi niya sa kapatid.

"You shut up!" pagkatapos noon ay pinaputukan niya ulit ito ng bala sa paa.

"Arrgggg!" sigaw ni hera, awang awa ako sa kanya hindi niya deserve ang ganoong kapatid.

Lumapit sa akin si Herilla at tinatanggal ang tali sa katawan ko "Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ko sa kanya.

"Simple lang, dahil mahal ko si Klayon"

"Hindi iyan pagmamahal" ani ko.

"Wala akong pake okay? Now get the pen and write what I say" dali dali kong kinuha ang ballpen at papel na sinasabi nito "Sabihin mo sa sulat na nakikipaghiwalay ka na kay Klayon. Because you already love his brother just easy right? Now write!"

"Ano? Hindi ko magagawa iyan"

Naramdaman ko na naman ang pagdiin niya ng baril sa katawan ko, sobrang pinagpapawisan ako pero hindi ako pwede sumuko na lang. Natatakot ako para sa pwedeng mangyari pero hindi ko hahayaan na makuha ng babae na ito ang gusto niya.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon