C h a p t e r 7

76 7 1
                                    

Chapter 7

"Liptint?" curious na tanong niya

"oum, importante kasi sa akin iyon dahil binili iyon para sa akin ni kuya" paliwanag ko, biglang nagbago ang expresyon niya, parang biglang naging mas seryoso siya na kinakunot ng noo ko.

"Did that josefa also using your liptint?" tanong niya pero nasa daan ang tingin nito.

"Oo--" bigla kaming napahinto at sa gulat ko ay muntik na akong sumigaw, nagtataka akong napatingin kay klayon na ngayon ay nakatingin na sa akin ng deretso. Napakamot ako ng ulo "Bakit ka huminto? Nakakagulat ha" reklamo ko, at isinandal ang mukha sa bintana.

"Lagi niya bang ginagamit ang liptint mo? Listen to me carefully, your bestfriend is a boy and you should never share your personal things with him" napatulala ako sa sinabi niya, at walang oras na tumango. Hindi naman niya lagi hinihiram minsan lang naman.

"Forget about that liptint"

"Pero-"

"I'll buy you one"

NASA Mall kami ngayon! Wahh! Ang saya saya ko, buti hindi nakalimutan ni klayon na samahan ako hihi, hinihintay ko siya ngayon, pinark niya lang kasi iyong sasakyan sa pinakadulo dahil wala namang vacant lahat na occupied. Tinignan ko ang langit, nagbabadya ang ulan, hala nasaan na iyon?

Naupo muna ako sa mga vacant na upuan dito sa tapat ng mall, buti may upuan dito, nangangalay na ang paa ko. Iniwan ko ang bag kong spongebob sa kotse niya, iyong wallet ko lang ang isinama ko sa akin, pati iyong cellphone ko naiwan ko rin do'n. Malalim akong napabuntong hininga  sabay pinagmamasdan ang mga taong naglalakad, nakakalilo sila, haisst.

Minuto lang ay biglang umamba ang malakas na ulan, hala! Nasaan na iyon? Wala pa naman akong dalang payong para puntahan siya, jusko. Naisipan kong pumasok sa loob ng mall para bumili ng payong. Nakita ko ang isang shop na maraming payong ang nakabitin sa loob nito kaya pumasok ako.

"Ate ilan po isa nito?" tanong ko sa isang saleslady at itinuro ang may pagkalakihang payong, mas mabuti nang bumili ka ng malaki kaysa naman sa maliit na hindi kayang silungan ang dalawa.

"300 pesos po Ma'am" ang mahal naman 500 lang pera ko dito, pero okay na iyon.

"Sige po ate, ito po" sabi ko at ibinigay sa kanya ang 500, pumunta siya sa counter, pagkatapos kong kuhanin ang barya ko dali dali akong lumabas ng mall. Ngayon kailangan kong hanapin kong saan niya pinark ang sasakyan, dahil siguro sa lakas ng ulan hindi siya makalabas, apakabad timing naman kasi ang ulan na ito.

Nagsimula na akong maghanap sa pinakagilid kong saan siya nagpark pero wala naman akong makitang kapareho ng sasakyan niya. Naabot ko na ang pinakadulo pero wala parin, palakas din na palakas ang ulan buti nalang malaki itong payong na binili ko kong hindi kanina pa siguro ako basa.

Napakamot ako ng ulo ko "Nasaan na iyon?"

Bumalik ako sa tapat ng mall dahil palakas na ng palakas ang ulan. Napabuntong hininga ako, mukhang matatagalan bago titila ang ulan.

Nasaan ba kasi nagpunta iyon? Di man lang niya sinabi kong may pupuntahan siya para hindi ako nag-aalala ng ganito. Wala kasing silong ang parking lot dito sa mall, open space. 

Hindi ako pwedeng pumasok ulit sa loob ng mall, paano kapag dumating siya edi mahihirapan din siyang maghanap sa akin, mas mabuting dito na muna ako para madali ko siyang makita 'pag nakataon.

Napahawak ako sa dalawang balikat ko, wahh nagsisimula ng lumamig, wala pa naman akong dalang jacket, naka simpleng white t-shirt lang ako at black na SquarePants.

Mahigit 30 minutes na akong nandito pero wala pa rin siya? Mag-gagabi na rin, dahil sa ulan. Bigla akong kinabahan, paano kapag hindi na siya babalik? Paano kapag umuwi na siya? Mariin akong pumikit, hindi ako sanay sa ganito, ang mag-isa. Madami na ring mga sasakyan na dumadaan habang papalipas ang oras, ganon din ang mga nakaparking na sasakyan, unti unti na silang nagsisialisan.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon