C h a p t e r 21

40 2 0
                                    

Chapter 21

Pagkatapos kong umihi ay hindi ko inaasahan na nandoon pa rin si Zynon sa kinatatayuan niya kanina.

Tumikhim ako at maglalakad na sana ng hindi ko inexpect na magsasalita ito out of nowhere "bakit ikaw pa?"

"Ano?" kunot noo kong tanong din sa kanya pabalik. Iritableng napakamot ito sa ulo niya.

"Ang bagal mo makaintindi, tss" sabi sabay irap sa akin. Aba't ang bastos ng batang ito ah.

"Aba e malay ko ba kong ano ang pinagsasabi mo, ako pa ngayon ang parang may kasalanan" sabi ko

Tumayo siya ng maayos at hinarap ako, kanina kasi nakatingin lang siya sa floor pero ngayon sobrang seryoso na siyang nakatingin sa akin.

"Hoii parang ewan naman to" sabi ko. Nasapian kaya to, iuntog ko na kaya sa pader para magising.

"Tss nevermind, umalis ka na" sabi niya.

"Aba bastos mo" sabi ko at umirap. Makaalis na nga baka matuloy ko pang iuntog sa pader ang lalaking to.

"Makatingin ka parang gusto mo akong patayin ah" tumikhim ako, ganon pala ang tingin ko sa kanya, so ano naman ngayon?

"Pake mo, ikaw nga itong walang galang" sabi ko at itinuro siya.

"Pfft HAHAHA" seryoso? Tumawa siya? Malalim akong huminga dahil sa kanina pa ako nagtitimpi sa ungas na ito.

"Bahala ka dyan" sabi ko at umalis na , bahala siya diyan para siyang baliw na tumatawa na lang ng walang dahilan. Kahit na malayo na ako sa kanya rinig ko pa rin ang mahihinang tawa niya.

Wala akong imik ng makarating ako sa mesa, buti nga hindi na ako naligaw pagbalik ko e, nako nakakahilo pa naman ang bahay nila. Iyong bahay nga namin, pagbaba ko na ng hagdan litaw na ang kwarto ni mama at kuya sa baba kasama na ang kusina namin.

"Oh hija halika na. Ba't ang tagal mo? I told you Klayon hindi pa siya sanay sa bahay, you must accompany her around" umiiling na sabi ni tita.

"Ah tita okay lang maliit na bagay, kayang kaya ko naman po e" sabi ko at pinakitaan ko siya ng assure na ngiti.

"Halika na, maupo ka na sa tabi ko. Wait, where is your brother Klayon?" naupo naman ako sa tabi ni tita at ngayon kaharap ko si klayon sa pagkain. Wala naman itong sinasabi e.

"Mom, kararating ko lang, how do I know. Maybe he's somewhere around the house" tumango naman ang mommy nito

"You're right, so let's eat na!"

Magsasandok na sana ako ng pagkain ng unahan ako ng mommy ni Klayon at naglagay ng iba't ibang klaseng putahe sa pinggan ko. Medyo nabigla naman ako kasi nga sa dami ba namang nilagay paano ko uubusin iyan mag-isa? Alam ko namang patay gutom ako pero may limit naman ang tyan ko (TT)

"Ah eh salamat po tita" sabi ko at pinagmamasdan ang pinggan ko. Napalunok ako, paano ko ba sisimulan ito?

"Kumain ka ng marami ha" tumango ako.

Tinignan ko si klayon at ngayon ay simple lang itong kumakain, tumikhim ako para sana makuha ko ang atensyon niya pero ni isa hindi man lang ito sumulyap sa akin.

Bagsak balikat ako habang nakatingin sa pagkain. Kaya ko to, iyong thesis nga namin nakaya ko sa isang gabi pero joki joki lang ha, ito pa kaya. 

Ngumuso na lang ako at nagsimula ng kumain. Sa una lang sobrang dami kong kinain na shrimp, dahil andaming din nilagay ni tita na shrimp kaya sino ba naman ako para atrasan, this is blessing na diba?

Sumunod naman ay ang mga gulay at iyong tuna ata to? Oo tama. Ano ba wala silang handang adobo, iyon kaya ang center dapat ng lamesa pero ang mga nasa harapan ko ngayon ay iba't ibang potahe na hindi pang Philippines ang peg pero masarap.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon