C h a p t e r 15

55 4 0
                                    

Chapter 15

Azra P.O.V

Nakasandal ang mukha ko sa mga palad ko habang nakikinig kay mama, ang totoo niyan gusto ko sana kaninang tanungin kong anong mararamdaman mo kapag mahal mo na ang isang tao kaso maalala ko, mas mabuting tanungin ko muna na kong paano sila nagkakilala ni papa, mas curious ako do'n e.

"Then dumating ang araw na ipapakilala ko na siya sa mga magulang ko, but they don't want your father for me, which came to the point na binantaan nila ako na layuan ang ama mo" nanlalaki ang mga mata ko habang nakikinig kay mama. Nakita ko ang nabubuong mga luha sa mata ni mama pero hindi ito natuloy dahil sa biglaang pagkurap nito. Marahan akong ngumiti at tumango, siya naman itong hinaplos ang kamay ko.

"Bakit po ayaw nila kay papa, mama?" bumuntong hininga ito bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin.

"Because of your father's background, ayaw nila sa ama mo dahil mahirap lang ito" napaawang ang labi ko, ganon ba ka-strikto ang mga magulang ni mama? Bakit ramdam ko ang sakit nito. Bakit gusto nilang ipagkait ang pagmamahalan nilang dalawa?

"One day pag-uwi ko noon sa bahay galing school, they've arrange a dinner date to me with a stranger, which is I was shocked, not because of that dinner date but also they have already plan na ipakasal ako after graduating college. I cried that time thinking what should I tell to your father. Then this decision came up to my mind, to leave that place and go far away"

"Isa pa buntis ako at ang dinadala ko noon ay ang kuya mo, ang tanging nasa utak ko lang ay umalis kasama ang ama mo, and then that night I secretly leave sa tulong din ng yaya ko, hindi rin nagtagal my family knows that I have left, that's where they already freeze all my bank account, but thankfully kahit papaano ay nakapagwithdraw din ako bago nangyari iyon, I never regret leaving my parents at sumama sa ama mo" hindi ko inexpect na ganito pala ang nakaraan ni mama at papa, titig na titig ako kay mama at nakikita ko ang kasiyahan nito kay papa. Syempre agree rin ako kay mama, walang karapatan ang mga magulang nito na ipakasal siya lalo pa't hindi naman ito mahal ni mama.

"Infairness mama ha? Galing mo palang mag-english!" puri ko sa kanya, ito naman ay napafliphair at napataas ng kilay.

"Ofcourse!" sabi niya "Pero mama, matanong ko lang po, paano niyo po nakilala si Klayon?" kunot-noong tanong ko.

"Bakit?" tanong niya pabalik at nagsimulang maghiwa ng mga patatas. Nagkibit-balikat ako "ramdam ko kasi na parang matagal niyo na itong kilala" sagot ko at napaiwas ng tingin.

"Did he not tell you anak?" iyan na naman tayo sa paenglish-english niya. Umiling ako.

"Ang alin mama?"

"Her parents are my bestfriend, at ang mga magulang niya ang tumulong sa atin noon Azra. Nang mapalayas kami sa apartment na tinitirhan namin ng ama mo ay sila ang nagkusang loob na nagpatira sa amin sa bahay nila, at first we decline hindi namin iyon tinanggap kasi nakakahiya, but then Klariza insisted ang ina ni Klayon. Wala kaming nagawa ng papa mo at pumayag na lang which is kapag hindi kami pumayag magagalit sila, I laugh with the though dahil ang saya nila ng pumayag kami. Actually I'm pregnant ulit that time, which was you" mahabang paliwanag ni mama. Hindi ko maexplaine ang mararamdaman ko, malungkot na masaya? Hindi lang ako makapaniwala na ganon ang sitwasyon nina mama at papa noon.

Wala akong masabi, parang nalunok ko ang dila ko dahil sa narinig. Kaya pala ganon na lang ang trato nila kay Klayon at kampante silang kasama ko ito.

"Ma, kong hindi ko ba itinanong ang mga ito ngayon sasabihin niyo pa rin ba sa akin?" makahulugang tanong ko, ito naman ay parang nabigla dahil sa marahang pagsinghap nito. Medyo nagtatampo lang kasi ako dahil marami ng araw na bumisita rito si Klayon tapos ako naman itong walang alam sa mga nangyayari na ayon may ugnayan pala kami at mga magulang namin.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon