Chapter 43
Ngayong araw ay pupunta ako sa mall, kasama ko si josefa dahil bibili ako ng regalo ko para kay Klayon, bukas na ang birthday niya at nakakahiya naman wala akong dala baka sabihin nila pagkain lang habol ko roon. Choss!
Nagpaalam ako kay lola kanina, nakasakay ako ngayon ng taxi pero hindi ko kasama si josefa sa mall na ang meet up namin.
Pagkababa ko ng taxi inabot ko ang bayad kay kuya. Pumasok kaagad ako sa entrance ng mall at naupo muna sa mga vacant chair doon. Nagmessage sa akin ai josefa, on the way na raw siya. Kanina pa ito on the way pero mas nauna pa akong nakarating dito e.
Nakita ko si josefa na pumasok sa entrance kaya kinawayan ko ito, lumapit siya sa direksyon ko at hingal na hingal.
"Napano ka?" tanong ko.
"Ikaw ba naman ang nagtatatakbo nakasuot ng mataas na takong?"
"Aba'y sino ba kasi nagsabi na magtakong ka? Bago pa tayo magsungbat dito, halika na! Excited na ako!"
"Lezz go!"
Pumunta muna kami sa isang boutique na puro polo ang laman tapos mga jeans. Nagtitingin tingin kami ni josefa, may ipinakita siya sa akin na may pagkalight-green ang kulay pero hindi naman ganoon si Zynon na mahilig sa lights na color dahil more on dark color siya.
Napagdesisyonan ko na bilhin ang kulay black na polo at black dean na jeans, o hindi ba ang unique, naalala ko rin mahilig ito sa hoodie kaya pagkatapos namin bilhin ang polo at black jeans ay nagtungo kami sa isang clothes shop doon ako naghanap ng hoodie na bagay sa pagkatao ng lalaking iyon, dark grey ang napili ko dahil iyon ang unang nabungaran ko pagpasok.
"Saan ulit tayo Za, gusto mo sa mga sapatos naman?" suhesyon ni josefa, tinignan ko kong sapat pa ba ang pera na hawak ko. Five hundred na lang ang natira, hindi ito kasya sa pagbili ng sapatos.
"Huwag na, hehe" naalala ko hindi ko naman alam kong anong size ng paa nun.
"Okays"
Ang binili ni josefa na regalo niya para kay Zynon ay isang gold watch. Pagkatapos ay dumiretso na rin kami sa parking lot dahil nandoon daw ang driver ni josefa.
Pagkapasok namin sa parking lot ay nagpaalam muna ako kay josefa. Tinatawag na talaga ako ng kalikasan.
"Balisan mo huh?"
"Oo?" sagot ko, medyo madilim sa part ng parking lot papunta sa comfort room kaya dala ko ang cellphone ko. Pumasok ako sa comfort room at ano pa ba edi para umihi HAHAHA.
Paglabas ko ng comfort room ay napahinto ako, napasinghap ako dahil sa pagkasa ng baril sa kanan ko.
"Huwag kang gagawa ng ingay" napalunok ako at hindi ko gumalaw sa mismong kinatatayuan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Sumunod ka" utos nito, nauna itong maglakad at sinukbit ang baril sa tagiliran niya. Dahan dahan akong naglakad at nilapitan siya, pagkatapos ay mabilis na kinuha baril sa tagiliran nito at mabilis ihinampas sa mukha niya ng humarap siya.
Napahawak ito sa mukha niya at doon ko kinuha ang oportunidad na tumakbo, kita ko na ang sasakyan ni josefa pero may humawak sa akin sa likod at tinakpan ng panyo ang ilong. Sinubukan kong magpumiglas pero ramdam ko na mas malakas ito.
"Josefa!" sigaw ko.
Ramdam ko na rin ang bigat ng paghinga ko at unti unti akong nawalan ng malay.
Zynon P.O.V
On the way to the university I received a phone call and I quickly answer it without having to see who's the caller.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...