Chapter 32
Nandito ako ngayon sa bahay nila Klayon, hindi sana rito ang bagsak ko kaso pinilit niya akong matulog sa bahay nila. Ayoko sana kaso tumawag si tita at nakiusap na do'n muna ako matulog kahit ngayong gabi lang.
Ipinagpaalam na raw ako ni tita kila mama at papa. Nakahiga ako ngayon dito sa couch ng guest room at nakatingin sa kisame, himala walang butiki rito, aba pati butiki nahiyang umapak dito sa kisame nila Klayon, tapos sa bahay namin kong saan sila tumatae.
Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Klayon, hawak hawak niya ang isang box.
"Ano iyan?" tanong ko.
"Your clothes" tumango ako at kinuha sa kanya ang box.
"Salamat" nakangiting sabi ko. Tumayo ako at maglalakad na sana papuntang banyo ng higitin ni Klayon ang kamay ko para mapaharap ako sa kanya nang walang pang segundo ay naglapat na ang labi namin.
Ang kamay ko ay nasa dibdib nito, nang siya mismo ang pumutol sa halik.
Nagtataka ko siyang tinignan "That would be my goodnight kiss" nakangising sabi niya.
Lumayo ako sa kanya ng kaunti. "Magshoshower muna ako" sabi ko at dali daling pumasok ng banyo.
Habang naliligo ay sumagi na naman sa isip ko ang matandang iyon, sobrang pamilyar talaga siya sa akin. Ang ilong niya, bibig lalo na ang mata nito.
Nagbabad ako sa bathtub, oii opportunity na itech noh HAHAHAHA. Ang gandang pakiramdam, nakakagaan.
Mga 30 minutes din ang binabad ko sa pagligo. Natagalan dahil ayoko pang bumangon sa bathtub, hanggang sa nakontento ako.
Ibinalot ko ang tuwalya sa katawan ko at lumabas ng pinto. Pakanta kanta pa ako nang mahagip ko si Klayon na nakaupo sa couch kaya napapitlag ako at medyo napasigaw.
"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko at mahigpit na nakahawak sa towel ko.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya nang nilapitan ko siya ng konti ay nakapikit pala ang mata nito.
"Klayon?" tawag ko. Niyugyog ko pa ito ng konti pero hindi pa rin ito sumasagot.
Napansin kong malalim na itong huminga.
"Ba't ka rito natulog?" napaakamot ako sa ulo ko at kinuha ang damit at pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong magbihis ay sinuklay ko ang buhok kong basa. Lumabas ako at dinatnan ko pa rin siyang ganon ang posisyon.
Nakayuko itong tulog "Klayon?" sabi ko.
Yumuko ako para tingnan ang itsura nito. Napasimangot ako "Ang unfair naman, bakit ang gwapo mo pa rin kapag tulog?" sabi ko.
Pinagmasdan ko any buong kabuuan ng mukha niya. Pasimple kong hinawakan ang tungki ng ilong nito. Napangiti ako.
"Klayon, gising na. Hoii Klayon gising"
Dahan dahang bumukas ang mata nito. Nagtama ang paningin namin, ipinulupot nito ang kamay niya sa bewang ko.
"Let's go?"
"Huh?" tanong ko.
"Dinner is ready" sabi niya.
"Kailan ka pa pumunta rito?" tanong ko.
"31 minutes ago" diretsong saad niya at nakatitig mismo sa mata ko. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat.
"Hehe pasensiya na, nag-enjoy kasi ako maligo" sabi ko.
"It's okay, now let's go?" tumango ako at tumayo na, hinawakan naman niya ang kamay ko at lumabas ng kami ng kwarto.
Nadatnan namin si tita at Zynon sa baba, pati na rin si tito. Wala ang dalawang babaeng kapatid ni Klayon pero juicoke naiilang ako sa klase ng titig nila ngayon!
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...
![Always You [ Completed ]](https://img.wattpad.com/cover/316227750-64-k208114.jpg)