C h a p t e r 16

46 3 0
                                        

Chapter 16

Busy ako sa pagbibilang ng mga daliri ko nang di inaasahang pumasok si mama at may dala pang sandok.

"Ma, ba't may hawak kang sandok, aanhin mo iyan dito?" tanong ko at itinuro ito.

"Kanina ka pa dito sa kwarto mo, mamayang gabi na gaganapin ang birthday ng Kuya mo, tulungan mo ako doon sa baba" aniya

"Ma, sinabi ni kuya na doon sa restaurant Deliciousa gaganapin birthday niya, ibig sabihin sila na bahala sa mga pagkain" paliwanag ko pero umiling lang ito at tinapunan ako ng masamang tingin.

"Aba syempre magluluto rin ako, hindi naman pwedeng di matikman ng mga bisita ang niluto ko" matamlay akong tumango at nag-ayos ng mga gamit kong nakakalat bago tumayo.

"Sige susunod ako" sabi ko, tumango naman si mama at naglakad na palabas ng pinto.

Napaisip tuloy ako kong sino ang dadalo mamaya sa birthday ni kuya. Siguro iyong mga ka office mate niya at ang girlfriend niya si Ate Glen?

Tapos ang family ata ni Klayon, dahil sabi ni mama na matagal na rin noong hindi sila nagkikita kita, at ito na lang daw ang nakikita niyang pagkakataon para makita niya ang mga magulang ni Klayon.

Naintindihan ko naman si mama, kaya siguro todo ang paghahanda niya ngayon.

Pagkababa ko ng hagdan ay hindi naiwasang lumaki ang mga precious kong mata dahil sa table naming puno ng mga iba't ibang potahe.

"Ma andami neto, paano kapag hindi nakain lahat ng mga iyan?" sabi ko at napahawak sa sentido.

"Na' ko Azra, kanina iyong kuya mo nagdemand pati ba naman ikaw?"

"Ma naman you should listen to your daughter" nakataas na noong sabi ko. Binatukan niya lang ako dahilan para mapa-aray ako.

"No you should listen to me! I'm your mother. The wife of your father and the mother of your brother!"  hindi ko napigilan at natawa ako ng malakas. Ganon din si mama "Mama juicoke hahaha" sabi ko at nakahawak sa tyan ko. Kumuha ako ng tubig at ininom ito pero hindi ako nakatiis at natawa pa dahilan para mapaubo ako. May lumabas pang tubig sa ilong ko.

"Iyan kasi! Tawa pa more" sabi ni mama at hinagod ang likuran ko.

"Ikaw kasi mama e, iba pauso mo" sabi ko.

"At ako pa ngayon ang may kasalanan? Sino ba naman kasing nagsabi na tumawa ka habang may tubig pa sa bibig mo"

Magsasalita pa sana ako ng magvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan "See tonight, Za" si Klayon pala.

Alangan namang see you tomorrow? E gabi gaganapin ang birthday ni Kuya ito talagang si Klayon na ito. 

Hindi ko na siya ni-replayan dahil wala rin naman akong load. Messenger lang ako, kaso wala namang Facebook ata si Klayon.

Naupo ako sa lamesa at ididip ko sana ang daliri ko sa isang cupcake na may Icing ng may pumalo sa kamay ko. "Azra ha, sinasabi ko saiyo, kapag iyan nadumihan, makakatikim ka talaga sa akin" banta ni mama.  Inilayo ko ang kamay ko doon baka ipalo niya sa akin ang sandok mahirap na.

"Ma, anong oras magsisimula birthday ni Kuya?" tanong ko at ipinuslit idip ang daliri ko doon at tinikman, hmm ansarap!

"Mamayang 7:00 nang gabi, kaya ngayon tulungan mo muna akong magbalot ng mga ito para nakahanda na mamaya sa pag-alis natin"

"Ma 12:00 ng tanghali pa lang, sobrang aga naman niyan" sabi ko at pinilit na ipinaintindi sa kanya pero umiling lang siya.

Wala akong nagawa at kinuha ang mga naglalakihan naming Tupperware sa loob ng cabinet sa kusina at inilagay lahat doon ang mga niluto ni mama.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon