C h a p t e r 28

35 2 0
                                        

Chapter 28

Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa dahil nagvibrate ito at nagbabasakaling si Klayon ngunit hindi message lang ito ng isang spam, sinasabing nanalo raw ako ng 20M pesos.

Dismayado kong inilagay ulit ang cellphone ko sa lamesa, kanina pa hanggang ngayon wala pa ring message sa akin si Klayon, kanina ko rin siya pinadalhan ng message pero walang reply.

Ano kayang ginagawa niya sa oras ngayon? Mag-oovertime ba siya sa trabaho? Ni isang message wala akong natanggap.

Biglang nagvibrate muli ang cellphone ko. Pero hindi na ito ngayon sa messages kundi sa messenger, nagtataka ako dahil hindi pamilyar sa akin ang pangalan na ito pero nagsend siya sa akin ng picture.

"Ano naman ito?"

Nakita ko ang mukha ni Klayon at ang babaeng parang pamilyar sa akin, pero oo siya nga ng babaeng sumama noon kay Klayon sa classroom. Bakit sila magkasama?

Sa nakikita ko ay parang nasa isang restaurant sila dahil sa pagitan nilang mesa at mga pagkain na naroon. Masaya ang babaeng nakatingin kay Klayon.

Si Klayon naman ay seryoso lang na nakatingin sa menu ata iyon. Hindi ko alam pero bakit ansakit? Bakit magkasama sila? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan.

Nabigla ako ng may likidong umaagos sa pisngi ko, naiyak na pala ako. Ito ba ang dahilan kong bakit hindi ako makatanggap ng message sa kanya?

Ginising ko ang sarili ko, hindi ako pwedeng mag-isip ng mga ganoong bagay. Hindi ko naman kilala kong sino ang nagsend sa akin nito, paano kong edit lang pala at hindi totoo?

Hindi ko pwedeng pangunahan ang tinding emosyon na nararamdaman ko ngayon. Umiling ako at ibinalik sa lamesa ang cellphone ko pero bago iyon blinock ko muna ang account na iyon.

Hindi ko namalayan sa sobrang pag-iisip ay nakatulog na pala ako.

Josefa P.O.V

I was busy walking when I saw Azra enter na the entrance gate. Lumapit ako rito and ganon nalang ang pagkabigla si me when I saw her eyes in puff. Did she cry last night?

I was like a flash running toward her direction, muntik pa akong matumba. Nakaheel kasi teh, so what?

"Azra, bakit mugto ang mata mo aber? Ha?" nag-aalang tanong ko, her nose is also red.

Omg she cry hard.

"Wala sinisipon lang ako, nilamig kasj kagabi" she lied, tss ito na naman tayo sa pagsisinungaling ng babaeng ito, juicecoke sarap pungutin ang buhok!

"Hoii Azra huwag ako, anong nangyari saiyo? Teh? Did someone bullied you? Are not okay bakit kasi!" I yelled, but I saw she never change her gaze at nanatili sa ganoong expression.

"Wala nga, ano ka ba. I'm diamond so why would I cry, I'm strong noh" sabi niya sabay tawa. Ganyan siya lagi e, she changed topic and pretend to be happy to ease the situation kaya sarap din itong iuntog minsan puno.

Ngumiti ito na siyang ikinabwisit ko lalo "halika na, parang gusto kong matulog sa klassroom ulit" sabi niya out of the topic, iyan ganyan siya kong may problema at walang maisip na sasabihin ay puro mga nonsense ang mga pinagsasabi.

"Ano ba talagang nangyari?" I asked but no response from her. Then I saw her wearing headset in her ear.

"Ha?" tumingin ito sa akin. Sarap talagang iuntog nito, huling huli na nga ayaw pang sabihin.

Paano kaya kapag may conflict sila ng bf niya. 

Nagkibit-balikat na lang ako, hanggat hindi ko nalalaman ang nangyari ay hindi ako mag-iisip ng kung ano ano. Hintayin ko na lang hanggang siya ang kusang magsabi.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon