Chapter 48
"Iyang bugnay wine, masarap iyon" suhesyon ko kay Kuya.
"You taste it?" sumulpot si Klayon sa likuran ko. "Oum, noon sa school" sagot ko sa tanong niya habang abala sa pagpili ng mga wine.
"How was it taste?" natawa ako dahil sa boses niya na ramdam ko ang kuryosidad. "Masarap siya, matamis sa una pero bumabara ang pagkapait sa huli" tumango ako.
"Beverages?"
"Wala, maganda iyan kong hindi ka alcoholic. Hindi rin iyan nakakahilo" tumango ito.
"I'd like to try some" nagsalin ako sa tasa ng wine at ibinigay sa kanya "Iyan ang bugnay wine, masarap iyan" inamoy niya muna ito pagkatapos ay tumikim lang siya ng konti. Maalala ko sinabi ni tita, pare-pareho lang daw kay Klayon ang alak. Even if it's a wine, it is still an alcohol for him. "Its good? I guess?"
"Huwag mo na ngang inumin, akin na hehe"
"No!" inilayo niya sa akin ang wine at siya na mismo ang lumagok ng lahat.
"Akala ko hindi mo iinumin"
"I'm not really into wines or any alcoholic drink, but I won't let you drink it either"
"Klayon! Matagal na akong umiinom ng wine" nakangusong saad ko.
Bumuntong hininga ito at siya ang nagsalin ng wine sa pinag-inuman niya at iniabot sa akin "I can consider it now, but you can't drink any alcoholic drink if you're not with me, Understood?" para akong paslit na tumango sa sinabi niya. "Good"
"Pinapayagan nga ako nila mama e" bulong ko.
"I heard it"
"Joke lang"
"Let me rephrase it, you can drink anytime if you're with me. Just simple as that" pagkatapos ay tinalikuran niya ako. Aba! Napakademanding, pero hindi ko rin maitatanggi medyo nakilig ako sa sinabi niya.
2 week later
"Hep, hep ako riyan" nginitian ko si Klayon at mabilis na naupo sa tabi ng bintana nitong eroplano. Ramdam ko sa peripheral vision ko ang mga titigan ng ibang pasahero.
Natawa lang ito, umusod ako ng konti para pagmasdan ang paligid. Nagsimula ng umandar ang eroplano at tumataas na kami sa himpapawid. Binuksan ko ang bintana at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin.
Napagdesisyonan kong isang linggo lang ako sa states at uuwi rin dito sa Pilipinas pagkatapos. "Aren't you cold?" humarap ako ng kay Klayon ng at umiling pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa bintana. "Ang ganda!" nakaawang ang labi ko dahil sa tanawin. Biglang sumagi sa isip ko ang mga regalong bilbilhin ko, inilista ko pa ito sa papel bago ko inilagay sa shoulder bag ko.
"Your phone is vibrating" untag ni Klayon. Hindi ko man lang naramdaman dahil nalunod ako sa pag-iisip, mabilis kong kinuha ito sa loob ng maliit kong shoulder bag. Ngumiwi ako ng makita ko ang caller.
"Hello josef–"
"Iyong regalo ko ha! Huwag mong kakalimutan! Mga make-up kit na lang or any basta mga galing state ang itsura hihi"
"Paano ko kakalimutan e, noong isang gabi ka pa chat ng chat tungkol sa regalo mo"
"Basta mas mabuti na iyong sigurado, isa pa kong may makita kang fafa sabihin mo lang sa akin. Hihi"
"Ang landi mo" umiiling na saad ko sa kanya. Naagaw ko ang atensyon ni Klayon dahil sa sinabi ko. Nakatingin na kasi ito sa akin ngayon na kanina lang ay abala sa pagtipa ng cellphone niya.
"Wala kang pake! I need fafa! By the way don't forget my gift. Bye!" aii putragis na badiday 'to.
"Is that josefa?" nagtama ang paningin namin ni Klayon ng tignan ko ito. "Oo, napapahanap ng fafa sa States"
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...