Chapter 18
Azra P.O.V
"Klayon iyang kamay ko, pakibitaw" sabi ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"What?" nakakunot ang noo niya at nagtatakang tinignan ako.
"Basta" hindi niya ako pinakinggan at bigla niyang binuksan ang pinto na ngayon ay nakahakot ng maraming atensiyon. Napatampal ako sa noo ko at binigyan siya ng pakibitaw-look. Ngumisi lang ito at nagsimula na kami maglakad.
"Sorry for the disturbance, just continue" tumikhim ito at ipinaghila niya ako ng upuan, nagpasalamat ako, alam mo iyong dapat na mahiya ako dahil sa mga bisita na nakatingin sa akin ngunit mas nanaig ang kilig ko dahil lang sa pagngiti niya.
Hindi ko kasama sina mama dito sa table, iba ang pinili ni klayon na table naming dalawa. Pumuslit ako ng tingin sa table kong nasaan sina mama at ang family ni klayon na ngayon ay pinagsisihan kong ginawa. Lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa akin, except lang sina mama at papa lalo na si josefa na ibang makatingin.
Nakaawang ang mga labi nila at isa isang binigyan si klayon ng nagtatakang tingin.
"Tss"
Nagbigay si klayon ng sign na hindi ko alam kong ano ibig sabihin non dahil itinaas niya lang ang dalawang daliri niya at iwinagayway ito. Nakita ko ang pagbabanta sa tingin ng ate niya pero kalaunan ay tumingin na kami lahat sa mc sa harap ng stage.
"Ano ang sign na iyon?"
"A sign to tell them to stop, I'll explain everything later" paliwanag niya.
"Klayon, alam ba ng mga magulang mo nililigawan mo ako noon?" ito kasi ang matagal ko ng gustong itanong dahil sa pagkakaalam ko ay wala silang mga ideya na bumibisita sa akin si klayon at nililigawan ako.
"They don't know about it yet, but I'm planning to tell them later" nanlaki ang mga mata ko at kinurot siya sa tagiliran niya dahilan para mapahawak ito sa sakit.
"Klayon matagal mo na akong nililigawan, tapos wala pala silang ideyang ako ang nililigawan mo?"
"Buti nga sinabi sa akin ni mama lahat kahapon, malaki pala ang relasyon nating dalawa. Pero bakit nang una mo akong makita sa university, parang hindi mo ako kilala?"
"Bakit ngayon lang klayon? Anong plano mo?" seryoso kong tanong sa kanya, umiwas ito ng tingin, tumikhim ako.
"It just that I'm not yet ready" umiling ako
"Handa para saan, hindi ko maintindihan klayon"
"To think that I will leave you soon, Azra please let just enjoy this moment, I don't want any conflict between us. I'll explain everything later" nakita ko ang takot sa kanyang mata at ramdam ko iyon. Tumango ako at hinawakan ang kamay niya.
"Kong ano man ang sasabihin mo, makikinig ako"
"Pero huwag mong asahan na hindi rin kita papagalitan kapag nalaman ko na ang lahat"
"I'm willing to accept what ever you'll say, Za" sincere na sabi niya, ako naman ay tatango tango ako at masinsinan siyang tinignan.
Bigla akong napatingin sa harap ng makita ko naglakad si kuya pagpunta stage, kong siguro lalake lang ako baka mapagkamalan kaming kambal ni kuya pero syempre may pagkakaiba rin kami sa ibang angulo.
"I would like to take this opportunity to give thank to everything who came here tonight also my big gratitude to my families and friends"
"And to my girlfriend Glen, I would like to take this chance to tell you how much I love you, how you support me and cheer me up in my nearly downhill" nagtataka pa rin ako sa sinabi ni kuya.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...