C h a p t e r 9

79 6 0
                                    

Chapter 9

Kagagaling ko lang sa office ni Ma'am Claire, may ipinautos kasi sa akin si Ma'am Jessica at may pinapakuhang document sa office ni Ma'am Claire, akala ko nga kanina magagalit siya sa akin pero hindi, tinanong niya pa kanina kong ayos na ako syempre maayos na ako, ako pa ba? Binigyan pa niya ako kanina ng libro para raw sa mga namiss kong lessons namin, nagpasalamat ako kanina sa kanya bago umalis.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ako ng pinto, para kasing nasofocate ako sa loob kahit may aircon naman.

Break time namin kaya nandito ako sa garden, si josefa do'n daw sa cafeteria ang tambay niya baka raw makita niya si Zynon, mas importante pa ang zynon na iyon kaysa sa akin? Ang badiday na iyon talaga.

Inilabas ko ang baon kong isang softdrink at tatlong sandwich na may palaman na mayonaise, my favorite hihi. Si mama ang naghanda ng baon ko para na raw hindi ko na kailangang bumili, ayaw ko sana kaso ang tigas din ng ulo ni mama. See, hindi lang ako ang matigas ang ulo pati na si Mama.

Mas mabuti na rin na dito ang tambay ko, ang presko lang kasi tapos malayo sa ingay, ang maririnig mo lang ay huni ng mga ibon, wala rin masyadong pumupunta dito kong meron man iilan lang.

Nakaupo ako ngayon dito sa isang bench, apat lang ang bench dito sa garden at magkalayo layo rin. Bukas ko na lang siguro itutuloy ang pag-tour kay klayon, hindi ko kasi feel mag-ingay ngayon e, alam niyo iyon parang tinatamad ako, wala naman akong ginagawa pero hindi feel ng katawan ko. Ang weird lang, wala naman akong sakit.

Hindi ko nakita si floraine kanina at dapat lang na huwag na siyang magpakita sa akin baka maiuntog ko pa ang ulo niya sa pader, syempre joke lang. Maalala ko ang panaginip ko na iyon, ang pangit parang totoo, at ang lahat ng pangyayari tandang tanda ko pa hanggang ngayon, ang mga mukha nila lalong lalo na ang driver at iyong pulis, umiling ako, Iwinaksi ko ang mga ala-alang iyon sabi ko hindi ko na iyon aalahanin pa pero bakit bumabalik lahat ang mga pangyayari? Ang driv-

"Penny of your though?"

"Aii driver!" napasigaw ako sa gulat dahil kay klayon

"Driver?" tanong niya, napaangat ako ng tingin, grabe ang tangkad niya, cherifer kid ba to?

"Wala, ano nga palang ginagawa mo rito?" pag-iiba ko ng usapan

"Am I not allowed here?" tanong niya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin, umiwas ako ng tingin

"Wala akong sinabi, maupo ka" sabi ko at ti-nap ko ang upuan.

Sinimulan ko ng lantakan ang sandwich ko "Gusto mo?" tanong ko sa kanya wala siyang sinabi pero kinuha ko ang kamay niya at inilagay do'n ang sandwich, pero huli na ng marealize ko na iba pala ang naibigay ko, iyong nakain ko na pala! Jusme ang bastos ko naman kaya dali dali ko kinuha sa kamay niya ang sandwich at ibinigay sa kanya iyong isa na nasa tupperware ko.

"Hehe sorry" sabi ko at napakamot sa ulo ko, alam kong titig na titig na siya sa akin ngayon enebe.

"Alam kong maganda ako" sabi ko sabay kagat ng sandwich at inom ng softdrinks. Makatitig naman to wagas.

"Yeah you're beautiful" napatigil ako sa pagkain ng sandwich at dahan dahan siyang tinignan

"talaga, hehe ikaw din ang gwapo mo" sabi ko kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha pero bumalik din dati sa normal

"Don't talk when your mouth is full tss" dali dali kong kinuha ang softdrinks at uminom, muntik pa akong mabilaukan sa kamamadali

"Careful"

"hmm~, hmm~, hmm~" ayokong magsalita kaya ito naghuhumming ako ng songs, entitled emoji. Gawa ko ang kantang iyon no'ng grade 12 ako no'n. Ang dami ko pang trials para lang mabuo ang tune niya. Nirerecord ko ang voice ko para hindi ako mahirapan, tapos memorize ko pa iyong kanta. Wala akong kahiligan sa music dati talaga, pero no'ng araw na sinabihan kami ng teacher namin na gumawa ng music for project in our own at doon na talaga ako natuto.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon