C h a p t e r 8

79 5 0
                                    

Chapter 8

Pagmulat ko ng mata ko, OMG! Puting ceiling na naman? Ouch, ramdam ko ang sakit ng isang kamay ko ng subukan kong igalaw ito. Totoo pala ang sinabi ng pulis, hindi ko ramdam ang sakit pero kalaunan malaki ang magiging epekto nito sa katawan ko.

Dahan dahan akong bumangon pero biglang may nang-alalay sa likod ko "Mama?" nagtataka ko siyang pinagmasdan at ngayon ay kitang kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ang tigas kasi ng ulo mo! May pamall-mall ka pang nalalaman, hay na ako Azra tumatanda ka na ganyan ka pa rin! Juicecoke na mang batang ito" kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama, anong mall? Di ba nila alam na muntikan na akong mamatay dahil sa taxi driver na iyon? Humanda talaga sa akin iyon kapag nakita ko siya sa prisinto.

Bakit ganoon nalang reaksyon ni mama? "Ma, muntik na akong mamatay!" seryosong sabi ko sa kanya na ngayon ay nagtitimpla ng gatas ko.

"Oo muntik ka nang mamatay dahil sa lagnat mo! Buti nalang dinala ka ni Klayon dito sa Hospital" mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya, teka paano niya kilala si klayon? At wait wait, si Klayon ang nagdala sa akin dito? Paano 'e iniwan niya nga ako sa mall tapos lagnat daw? Napahawak ako sa noo ko dahil litong lito na ako sa mga nangyayari.

"Mama hindi sa ganon--" hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil pumasok si papa at kuya na may dalang prutas at pagkain, seryoso akong tinignan ni kuya kaya umiwas ako ng tingin. Alam kong papagalitan niya ako mamaya.

"Rinig na rinig ang sigaw mo sa baba, mahal" sabi ni papa, di ko namalayan nakapanghospital gown pala ang suot ko.

"Paano ba naman iyang anak mo, ang tigas ng ulo! Tantanda akong maaga nito" sabi ni mama at napahawak sa noo niya, lumapit naman si papa sa kanya at inalalayan siyang umupo

"Matanda ka na mama, anong tingin mo sa sarili mo dalaga?" kunot noong tanong ko pero sigaw lang ang napala ko kay mama. Joki lang naman.

BUKAs na ang discharge ko sa hospital, nagtataka pa rin ako sa sinabi ni mama na si Klayon ang nagdala sa akin dito pero iniwan niya naman ako sa mall, tanda ko pa na ang nagdala sa akin dito ay ambulansiya.

Napakatahimik ng paligid, umalis si Mama at Papa babalik din daw sila mamaya, si Kuya naman may importanteng aasikasuhin daw, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinikibo, galit siya at alam kong nag-alala lang siya sa akin.

Kumuha ako ng saging sa lamesa, makakain nga huhu stress talaga ako ngayon, babalatan ko sana ito ng bumukas ang pinto na siyang ikinahinto ko. Nagulat akong ng pumasok si Klayon, nagpanggap akong walang nakita at ibinaling ang atensiyon sa saging na binabalatan ko.

"Hey, How's your feeling?" tanong niya, tumingin ako sa kanya at matalim siyang tinitigan

"Alam mo bang muntik na akong mamatay? Tapos ilang oras akong naghintay saiyo sa labas ng mall. Sabi mo magpaparking ka lang tapos ano, iniwan mo ako? Saan ka ba pumunta huh? Muntik pa akong marape ng manyakis na driver na iyon buti na lang hindi natuloy dahil matalino ako--" kita ko sa expression niya ang pagtataka at pag-awang ng labi niya.

"What? Magkasama tayong pumasok sa mall, we even play games and I- I never leave you " sabi niya

"after that dinala kita dito sa hospital dahil nilalagnat ka, and about that driver your talking to, ako lang kasama mo sa buong maghapon" lumapit siya sa akin, kita ko ang pagtitig niya sa mga mata ko. Gusto kong umiwas pero bakit hindi ko magawa? Ramdam ko rin ang sincerity sa boses niya.

"You did have a nightmare" seryosong sabi niya, ngayon bumabalik na lahat ang mga nangyari sa mall, sinamahan niya pa nga  akong bumili ng regalo ko kay kuya, tapos naglaro kami sa arcade hala ang sama ng panaginip a iyon, huhu, parang totoo kasi! Napakamot ako ng ulo ko at nakokonsensiya ko siyang tinignan.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon