C h a p t e r 46

42 1 0
                                    

Chapter 46

6 months later

Graduation ko na ngayon at hindi mapakali sina mama at papa sa kakakilos dito sa bahay pati na rin si Kuya na hindi ko alam kong anong pinagmamadali.

"Ano ba ako nahihilo sainyo, mader pader" sabi ko at umiiling.

"Azra! Mamayang 10 o'clock ang graduation mo! Ihanda mo na ang dress mo at dadating na ang mga make-up artist para ayusin ka"

"Sana si Josefa na lang kasi ang magmake-up sa akin" natatawang sabi ko, bumukas naman bigla ang pinto namin at iniluwa nito si Josefa na masama ang tingin sa akin.

"Anong aketch ha! Hoii graduation natin ngayon kaya nga ako pumunta rito para maayusan hindi para mag-ayos!" Aba kita mo ang lalaking ito. Makasigaw ha! Nako kong hindi lang kita bestfriend e.

"Umakyat ka na sa kwarto ni Azra Josefa at paparating na ang mga make-up artist" utos ni mama, nilampasan lang ako ng badiday at nagtungo sa kwarto ko. Hindi ko akalaing marami ang mga nagbago sa loob lang ng anim na buwan, si Kuya at ate Glen ay kasal na, sa Tagaytay nila ni-held ang kasal dahil gusto raw ni ate glen ang beach wedding.

Si Zynon naman, nagtransfer sa states at doon na nag-aral. Si Floraine naman, nakita ko siya last month, humingi siya ng tawad sa nagawa niya, at ang sobrang ikinabigla ko talaga ay may binigay siya sa akin na wedding invitation. Maikakasal na pala siya at nakikita ko noon sa mata niya ang saya. Alam kong nahanap niya na ang taong para sa kanya at masay ako roon.

"Azra! Tulaleng lang?!" sinulyapan ko si Josefa sa hagdan at inirapan ito.

"Nandiyan na ang mga make-up artist!" mas excited pa ito kaysa sa akin with matching talong pa.

Sobrang bilis ng oras, tapos na kaming malagyan ng make-up at ito ako ngayon sa harap ng salamin nakatayo at hindi pa rin makapaniwala sa itsura ko. Ako ba talaga ito?

"Sobrang pretty mo bhie!" puri sa akin ni ate Gema, siya ang nagmake-up sa akin. Nakikita ko ang mangha sa mukha niya at pati rin ako manghang-mangha sa sarili ko. Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin, suot ko ang isang yellow-gold na dress, ako mismo ang pumili nito dahil gusto ko ang light lang.

Nakalugay ang mahaba kong buhok na hanggang aking bewang, ang aking kutis naman ay mas tumingkab dahil sa dress na suot ko. Parang sa beauty and the beast lang ang peg ko.

Light pink lipstick lang ang nilagay nila sa bibig ko dahil mas naayon daw ito sa dress na suot ko. Gusto kong maluha kanina, hindi ko kasi maiwasang isipin na graduation ko na ngayon.

Na noon lang ay nagrereklamo ako dahil bakit antagal ng taon kahit bata pa ako at walang alam sa mundo ay gusto ko ng makapagtapos ng pag-aaral agad at makatulong sa magulang, tapos ito ako ngayon malapit nang magtrabaho! Konting kembot na lang!

Bigla ko tuloy naisip si Klayon, miss na miss ko na siya. After kasi niyang lumabas sa hospital ay kinailangan niyang bumalik sa state at ipagpatuloy ang pagpapatakbo ng kompanya nila.

Hanggang tawagan lang sa messenger ang ginagawa ko sa kanya, minsan nahihiya akong tawagan siya baka kasi nasa gitna ito ng trabaho at maistorbo ko pa.

"Anak, azra?" narinig ko ang pagtawag ni mama sa pangalan ko.

"Yez, momshi?" sagot ko rito. Pumasok ito na nakakunot ang noo at binatukan ako "Anong momshi? Mommy or mama dapat!" reklamo niya. Ano naman ang pinagkaiba?

"Mama pareho lang iyon, naku!" napahawak ako sa binatukan niya at marahan na hinaplos ito.

"Ganoon ba? Aba e malay ko ba na may ganyan na palang salita ngayon. Mga kabataan nga naman, oo" naupo siya sa kama ko.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon