Chapter 50
Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto, iniisip ko kong sasabihin ko ba kay Klayon ang usapan namin ni Zynon noon.
"What are you thinking, hmm?" mabilis na dumampi ang labi niya sa pisngi ko pagkatapos ay tumabi sa akin sa pag-upo
"May gusto sana akong sabihin""Okay? What is it then?" kumunot ang noo niya. Hinawakan ko ang kamay nito. Parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi ko. Pero sige gagawin ko rin ito para sa ikakatahimik ng loob ko.
"M-may usapan kasi kami ni Zynon noon" patuloy niya pa rin na hinahaplos ang kamay ko, ang kalmado niya! Ako gusto ko ng lamunin ng lupa!
"And?" wala sa mata ko ang tingin nito kundi sa nanginginig na kamay ko.
"Nagipit kasi ako sa pangyayari. Pumayag akong tulungan siya... p-pero wala lang iyon naman sa akin. Kapatid ang turing ko sa kanya"
"About the two of you going out to date together in his birthday?" nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko.
"Paano mo nalaman?" puno ng kuryosidad kong tanong. Ngumiti lang ito na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. "Zynon told me everything"
"Sorry talaga Klayon, pwede kang magalit sa akin. Tatanggapin ko iyon–" pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang kanyang isang daliri.
"I will never be mad at you, don't say such a nonsense" iyong kaba ko kanina unti unting nawala dahil sa mga salita niya. Namuo ang tubig sa mata ko. Hindi ko namalayan na basang basa na pala ang pisngi ko dahil sa mga tumutulong luha. Hindi ako makagalaw at patuloy lang sa pag-iyak habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin. "Para ka namang tanga" natatawang sabi ko at pasinghot-singhot.
"Tss such a cry baby"
"Hindi ako cry baby noh!" ang kanyang kamay ay dumampi sa pisngi ko para punasan ang mga luhang naiwan. "Now you're turning red" napangiwi ako dahil sa pagpisil niya ng pisngi ko.
"Masakit kaya" reklamo ko.
"Oh, sorry sorry. You're so cute kasi" ako naman ang natawa dahil sa sinabi niya. Ang arte kasi ng pagkabigkas niya sa kasi.
"Now you're laughing, para kang tanga" tapos ayon ang biglang pagsasalita nito ng tagalog. Kaya mas lalong lumakas ang tawa ko. "You're laughing without any reason"
"Aba'y kailangan ba ng rason para tumawa?"
"Yes, unless you're crazy"
"Hoi! Hindi ako baliw"
"Then why are you laughing?"
"Kasi nga nakakatawa" sagot ko. Mas lalo yata itong nainis kaya tumayo. Tumayo rin ako "now, what are you doing?"
"Tumayo"
"Sh-t! Azra I'm piss now okay. Not knowing what the reason why are you suddenly laughing, nang-aasar ka e" no joke, talagang naiinis na siya "Ikaw nga ang dahilan kaya ako tumatawa, ito naman" sabi ko.
"Why, am I funny?"
"Hindi, dahil hindi ikaw si funny" malalim itong bumuntong hininga at umiling. Tumalikod na ito at maglalakad na sana ng hinabol ko siya "Klayon naman, para kang ano–''
"Ano?" umatras ako ng bigla siyang humarap.
"Ano ba, natatawa ako kasi ang cute mong magsalita ng tagalog" nawala ang inis sa mukha nito at napalitan ng ngisi. "Is that so?
"Oo"
"Para kang baliw talaga" nagsimula na namang mamuo ng tawa sa kaloob-looban ko.
Umiling lang ito.
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...