C h a p t e r 27

30 2 0
                                    

Tuesday ngayon at syempre hindi ako pwedeng lumiban sa klase kahit di pa maganda pakiramdam ko.

Sumilay ang ngiti sa akin labi ng may humawak sa kamay ko.

"I already park the car, let's go?" tumango ako, nagsimula na kaming maglakad ni klayon. May family dinner sila mamayang gabi, ayaw ko sanang sumama kaso pinilit ako ng mommy ni klayon. Magtatampo raw siya sa akin kapag hindi niya ako nakita kasama si Klayon.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha sa bulsa, di ko pala na off data nito.

Nakita ko ang pangalan ni josefa sa screen. Kaya ti-nap ko ito at may sinend pala siya sa akin link.

Binalewa ko na lang, mamaya ko na lang titignan. Simple kong sinulyapan si Klayon pero ang lolo niyo nakatingin pala sa akin.

"Bakit?". tanong ko.

"Nothing, you're just beautiful"

"Tss, alam ko na iyan" pagkasabi ko noon napangiti lang siya.

Pagpasok namin sa classroom ay bumungad sa akin  ang masamang tingin ni josefa. Ano na naman ang kasalanan ko sa badiday na ito?

Lumapit siya sa amin ni klayon.

"Akin muna sa azra ng 15 minutes, may sasabihin lang ako" seryosong sabi niya kay klayon, nagtataka man ay tumango na lang ang katabi ko. Nauna si josefa sa labas.

"Anong nangyari roon?"

"I don't know, maybe you should talk to him" tumango ako at naglakad na palabas.

Nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng railings at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Ba't bigla akong kinabahan sa reaksiyon ni josefa?

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit bakit, tignan mo ito! Kalat na ito sa buong website Azra!" stress na sabi niya at ipinakita sa akin ang cellphone niya

"Ano ba iyan–" napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga matang tinitignan ito. Kaming dalawa ni Zynon ito noon sa mall, iyong kinuhanan kami ng picture ng mga studyante.

Iniscroll ko pa sa ibaba at juicecoke madami palang kinuhanan sa aming dalawa. Iyong isang litrato, nakatingin sa akin si Zynon pero ako nakaharap lang ako sa camera.

"Paanong napost ito? Tapos may caption pang sweet couple?"

"Josefa ano to?" taranta kong tanong.

"Ikaw kasi Azra, ano bang pinasok mong ito ha? Saan ito? Kailan pa ito?"

"Maalala mo noong pumunta tayo bumili ng mga kakailanganing props at accessories para sa basketball competition, habang hinihintay kasi kita nakita ko si Zynon, tapos may biglang mga studyanteng sumulpot at gusto kaming kuhanan ng litrato. Sinabi ko naman sa kanila na kaibigan ko lang si Zynon"

"Kong ganon, maybe they are from the photography classes"

"Hindi naman siguro malaking problema iyan, hindi ba?" sabi ko at nagbabasakaling umayon din sa akin si Josefa pero kinutusan niya lang ako.

"Gaga ka ba?! Malaking problema ito Azra! They posted your photo because of some grand competition, at lahat ng Universities ay kasali roon including our school" explain niya sa akin. Wala akong imik tila naging blanko lahat ang bawat sulok ng utak ko, pero para sa akin hindi naman ata iyan big big deal?

"Josefa, paano na iyan, pwede mo bang iMessage ang nagpost niyan sa website?"

"Namessage ko na, pinakiusapan ko siyang I remove ang picture niyo roon kaso wala pa ring reply ang admin" tumango ako, pero kahit papaano naman ay nawala ang pangamba ko. Maalala ko, every year may gano'n din na competition, it's all about how they take pictures with a deep meaning or sense.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon