C h a p t e r 37

38 2 0
                                    

Chapter 37

"Anong isusuot ko" tanong ko kay Klayon na ngayon ay abala sa pag-ta-type. Nakaharap ito sa kanyang laptop kanina pa kaya siya riyan. Mag-iisang oras na siyang nakaupo at nakaharap lang sa laptop niya.

Kanina lumapit nga ako para sana tignan kong ano talagang ginagawa niya kaso pinigilan niya lang ako. Muntik niya pa akong pagalitan kanina dahil matigas ang ulo ko.

Sino ba naman kasing hindi macurious sa ginagawa niya? Kaya ito instead na guluhin siya nagbabasa na lang ako ng libro. Hindi ko rin akalain na marami pa lang hidden kabinet na akala ko kanina ay pader lang. Buti na lumapit kanina si Klayon at pinindot lang ang maliit na button sa gitna at nagslide ang pinto.

Ang laman pala ay puro libro. Book worm pala ang isang ito. Nakita ko kanina ang libro na binasa ko noon sa Library kaso hindi ko tinuloy dahil akala ko ikwekwento ni Klayon hindi pala.

Pero grabe mas makapal at malusog ito kaysa sa nakita ko sa library na maliit lang siya. Sabi ni Klayon ito raw ang original version ng libro kaya pala hindi na ako magtataka kong alam niya lahat ng nilalaman ng libro.

Nabaling ang atensyon naming dalawa sa pinto ng may kumatok, hindi na ako tumayo para pagbuksan ito ng si Klayon na mismo ang tumayo at nagbukas.

"Dinner is ready na, tito and tita are waiting downstairs" itunuon ko na lang sa libro ang atensyon ko.

"Za?" tawag sa akin ni Klayon, inangat ko ang ulo ko at nagtama ang mata namin ni Iyana. Umiwas ako ng tingin "Yup?" sagot ko.

"Dinner is ready, mamaya ka na magbasa"

"Okay!" sabi ko at itinupi mo na ang libro pagkatapos ay naglakad ako palapit kay Klayon. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya at hindi nakaligtas sa akin ang titig ni Iyana.

"Tayo na?"

"Let's go" naunang naglakad si Iyana, nasa likuran niya lang kami ni Klayon at tahimik na naglalakad.

Naabutan namin si tita at tito pati na rin si Zynon sa lamesa pero nakatingin lang ito sa kanyang cellphone.

"Oh nandito na pala kayo! So let's eat na" masayang tawag sa amin ni tita. Hindi na ako nagdalawang isip at naupo na. Nang makaupo ako ay pansin kong masama ang tingin sa akin ni Klayon. Kinunutan ko lang siya ng noo at ng lagyan ko na sana ng pagkain ang plato ko ay kinuha niya sa akin ang kutsara at siya ang naghain ng pagkain ko.

"Ako na dapat e"

"It's already done, here" wala na akong nagawa at nagpasalamat na lang imbis na makipagtalo pa.

Katatapos lang namin sa away e, nang matapos kaming at nagdessert ay napagdesisyonan kong ako na ang maghuhugas pero hindi pa lang ako nakakapasok sa pinto ay may humila na sa kamay ko.

Inis ko itong tinignan.

"Klayon?"

"Where do you think you're going? To wash dishes again?" sabi niya na parang alam niya na roon ako papatungo.

"Oo, kaya maiwan na kita rito dahil maghuhugas pa ako"

"No! Instead of doing those things may ipapagawa ako saiyo" kumunot ang noo ko, kaya ng hawakan niya ang kamay ko ay nagpatinaod na lang ako at umakyat kami sa hagdan.

Ano naman kaya ang naisip ni Klayon, at anong ipapagawa niya?

Nagtungo kami sa kwarto niya at pumasok. Binuksan niya ang mini Library niya at may mga inilabas doon na libro. Isang minuto rin ang ginugol niya sa paghahanap.

"Sit, and read this. You can't just stay chill knowing you've exam tomorrow" hindi siya nagbibiro, nanlaki ang mata ko dahil sa mga libro! Makakapal ang mga ito at imposibleng mabasa ko lahat ng ito sa isang gabi lang.

Always You [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon