Chapter 42
Azra P.O.V
Nagpaalam muna ako kay Klayon dahil may pupuntahan lang ako saglit sa labas, mabuti at hindi na ito nagtanong. Mabilis akong sinalubong ng malakas ng hangin, nakita ko si Zynon nakatayo sa gilid ng statue na lion sa labas. Nakatingin lang ito sa mga bituin pero lingid sa kaalaman niya ang presensiya ko.
Mas lumapit pa ako sa kanya "Ba't ka lumabas?" pagsisimula ko ng usapan. Tumingin ito sa gawi ko na parang nabigla pero kalaunan ay sumeryoso rin ang mukha niya "Aren't you cold?"
"Hindi" sabi ko
"I won't give you my jacket then" sabi niya
"Aba, hindi ko naman hiningi ah" feelingero naman ito.
"Tss yabang"
"Bahala ka riyan, papasok na ako sa loob"
"Wait" pagpigil niya sa akin, nagtataka man ay hinarap ko muli siya.
"I just want to tell you. The deal is cancelled" tumango ako at nginitian siya "Kong gano'n, maging masaya ka, okay? Huwag kang mag-alala bibigyan din kita ng regalo iyong mahal!" sabi ko at natawa.
"As if my pera ka" nanghahamong sabi niya.
"Aba! Huwag na lang" sabi ko at handa na sanang maglakad para iwan siya "Kidding!" sigaw niya pero inirapan ko ito. Papasok na sana ako sa loob ng may maramdaman akong parang nagmamasid sa akin pero ng tignan ko wala naman.
Umiling na lang ako at tuluyan ng pumasok.
Natapos ang birthday ko ng masaya at may ngiti sa labi ng bawat isa. Dahil sa pagod ay natulog kami lahat sa venue. Lahat din ng mga guests ay nagsiuwian na rin noong sumapit ang 10 o'clock ng gabi, kaunti lang ang pumuntang bisita pero sobrang saya kasi may mga nakilala ako at nakausap ng gabing iyon.
"Uyy bakla gising na!" naramdaman kong may yumuyugyog sa likod ko, boses iyon ni josefa pero tinanggal ko ang kamay niya.
"Bakit ba?" bagot na tanong ko.
"Hoii may klase pa tayo"
"10 minutes" sabi ko at binalot ang sarili sa kumot. "Anong 10 minutes, uyy late na tayo"
"Mamaya lang" sabi ko
"Hihintayin kita sa labas, maghanda ka na" sabi niya.
Hindi na lang ako umimik nang marinig ko ang pinto na sumara, doon lang ako dahan dahang tumayo at nag-unat. Kahit na gusto ko pang matulog dahil inaantok ako pero hindi pwede.
Nagtungo ako sa banyo at naghilamos, teka, nasaan pala si Klayon? Saan siya natulog kagabi. Nang ihatid niya kasi ako ay nagpaalam siya dahil may gagawin daw ito pero babalik din kaagad, kaso hindi naman sinabi kong saan siya pupunta.
Pagkatapos kong magsipilyo at maghanda ay lumabas na ako sa banyo at nagpalit. Isang simple fitted jean at white shirt lang ang suot ko. Hinayaan ko na lang malugay ang buhok dahil wala na akong oras para i-ayos ito
Dali dali rin akong nagsuot ng medyas at nagsapatos bago lumabas sa kwarto. Babalik ako mamaya rito para kunin ang bagahe ko. Pagkatapos mismo ng klase ay dideretso na ako sa bahay ng lolo at lola.
Nadatnan kong nakatayo si josefa pagkalabas ko mismo. "Antagal huh"
"Tss, halika na" pareho kaming lakad takbo ang ginawa, pumasok kami sa elevator at pinindot ni josefa ang button sa pagbaba.
"Nakatulog pa rin si tita at tito, napagod sila kagabi" pagsisimula ni josefa "Kong wala lang talagang pasok ngayon, juiccoke susulitin ang malambot na kama rito"
BINABASA MO ANG
Always You [ Completed ]
RomanceBestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided to enroll himself to were Azra is studying, little did Azra know. Klayon knows everything from the s...